'Umulan ng bulaklak' (Ika-38 labas)
November 22, 2002 | 12:00am
(True to life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula, Commanding Officer ng WPD-Mobile.)
HINDI relihiyosong tao si Sapitula subalit sa pagkakataong iyon, hawak ang nobena ni Santa Rita ( hindi Santa Teresita gaya nang nalathala kahapon Ed.) ay napalapit ang loob niya sa Diyos at nagkaroon ng liwanag ng pag-asa. Nang oras ding iyon ay sinimulan niyang basahin ang nobena ni Santa Rita.
Nalaman niya na si Santa Rita ang patrona ng mga taong nawawalan ng pag-asa. Mula pagkabata ay ang pagmamadre na ang pangarap ni Rita subalit hindi siya pinayagan ng mga magulang sapagkat nag-iisa itong anak. Nag-asawa si Rita subalit isang lalaking malupit ang napangasawa. Ginugulpi siya. Maraming bisyo ang asawa. Nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki. Napatay ang kanyang asawa at ang dalawang anak ay naipangakong igaganti ang pagkakapatay sa ama.
Nanalangin si Rita sa Diyos na huwag mangyari ang plano ng dalawang anak. Natupad iyon sapagkat namatay ang dalawang anak.
Nag-iisa na sa buhay at ninais na makapasok sa kumbento subalit tinanggihan siya sapagkat nagkaroon ng asawa. Nanalangin muli at natanggap siyang madre. Minsang magkasakit si Rita, nahiling niyang magkaroon sana ng bulaklak sa altar sa harapan niya. Nagkaroon kahit na ng panahong iyon ay nagyeyelo ang paligid sa Italy at walang nabubuhay na bulaklak. Namatay si Rita noong Mayo 22, 1457.
Nang araw ding iyon ay sinimulan ni Sapitula ang nobena kay St. Rita. Taimtim siyang nanalangin na tulungan sa problemang may kinalaman sa kanilang kaso. Hiniling niyang sagutin siya sa pamamagitan ng mga bulaklak.
Hustong ika-siyam na araw ng nobena ni Sapitula, habang nagpapahinga siya sa kanilang bahay ay umulan ng bulaklak.(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended