^

True Confessions

Kapalit ng pagsisikap (Ika-27 labas)

- Ronnie M. Halos -
(True to life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula,Commanding Officer ng WPD-Mobile)

GABI ng August 23, 1991, dakong alas-nuwebe, bumuo ng team si Sr. Inspector Sapitula para masakote ang 20-anyos na pusher na si Noel Pangan. Si Pangan na itinuring na "Lord" ng mga tulak sa Sampaloc area ay mapanganib. Handang pumatay at mamatay. Subalit hindi iyon nakasindak kay Sapitula na handang lipulin ang mga drug pusher.

Nang matiyak nina Sapitula na positive si Pangan sa lugar, isa sa mga tauhan ni Sapitula ang nagpanggap na bibili ng shabu. Nakahanda sina Sapitula sakalit pumalag si Pangan. Ang sinisiguro ni Sapitula, madadakma nila si Pangan at pagbabayarin sa mga nagawa sa lipunan.

Natunton si Pangan sa 2443 Legarda St. Nang nasa aktong nagbibilihan na ng shabu, lumusob sina Sapitula. Tinangkang tumakas ni Pangan subalit mas mabilis sina Sapitula. Nahulog sa kamay ang isang kilabot na drug pusher. Hinatulan si Pangan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa paglabag sa Republic Act 6425.

Hindi rin nasindak si Sapitula na pasukin ang Muslim area sa Quiapo, Manila sa paghabol sa mga drug pushers. Dalawang Muslim drug pushers ang bumagsak sa kanyang mga kamay. Isa sa drug pusher si Hendrik Pundato, na da-ting rebeldeng Muslim.

Noong June 1991, isa sa mga kilabot na drug pusher sa Tondo ang nasakote ni Sapitula. Hindi nakaporma si Victor Meneses, isang takas sa Munti nang magsagawa ng buy-bust operation sina Sapitula. Habambuhay ang hatol kay Meneses.

Subalit masakit ang kapalit sa paghahangad ni Sapitula na maging drug-free ang lipunan. Sila pa ang kinasuhan nang mapatay nila ang mga miyembro ng "16 Valve drug syndicate" noong 1994. (Itutuloy)

COMMANDING OFFICER

DALAWANG MUSLIM

DRUG

HENDRIK PUNDATO

LEGARDA ST. NANG

NOEL PANGAN

NOONG JUNE

PANGAN

SAPITULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with