Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Ika-42 labas)
May 6, 2002 | 12:00am
(Kasaysayan ni Ignacio S, Bonifacio ng Novaliches,Quezon City)
ISA sa mga natatanging katangian na dapat panatilihin ng tao ay ang pagtupad sa kung anuman ang pinag-usapan. Mahalaga ang tumupad sapagkat dito nakasalalay ang tibay ng pagsasamahan at pagtitiwala. Kapag nawala ang tiwala, iyon na ang simula para magkaroon ng hadlang sa pag-unlad sa hinaharap. Mahalaga ang pagtitiwala.
At si Ka Asyong ay nabibilang sa mga taong mapagkakatiwalaan at may isang salita o "word of honor". Kung ano ang pinagkasunduan nila ng pamilya Jacinto hinggil sa bayad ng lahat ng mga materyales na kukunin sa planta ay binayaran niya buwan-buwan at ni minsan ay hindi siya pumalya. Naging responsable siya. Hinangaan si Ka Asyong ng manager ng Jacinto dahil sa pagiging responsable nito.
Umunlad ang hardware ni Ka Asyong dahil sa malaking tulong ng mga Jacinto. Inamin ni Ka Asyong na kung hindi sa malaking tulong na iyon ay hindi niya alam kung saan siya kukuha ng ititinda. Kauna-unahan siyang nakapagtayo ng hardware sa bayan ng Novaliches noong 1968. Walang nakatalo sa kanya sa negosyo.
Lumipas pa ang mga taon at nabayaran ni Ka Asyong ang lahat ng mga pagkakautang sa Jacinto. Paunlad pa nang paunlad ang negosyo at nakikita niya na darating ang araw na hindi na niya makakayang sustentuhan ang mga kustomer. Isang paraan ang kanyang naisip, magbibigay siya ng seminar kung paano magtayo ng hardware business.
Isang seminar ang kanyang idinaos sa silong mismo ng kanyang bahay at ibinigay niya iyon ng libre sa sinumang gustong matuto sa pagsisimula ng hardware business. Marami ang dumalo sa seminar na iyon.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended