^

True Confessions

Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Ika-9 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni Ignacio S.Bonifacio ng Novaliches, Quezon City)

ISTRIKTO nga ang ama ni Paulina na binigyang katwiran naman ni Ka Asyong sapagkat pinuprotektahan nito ang anak na dalaga. Dakong alas-siyete ng gabi at patuloy pa sa pagkukuwentuhan sina Ka Asyong at Liling (palayaw ni Paulina) ay magsisimula nang magparinig ang istriktong ama. "Umaga na yata. Di pa ba kayo inaantok?" Sasabihin nito at saka maghihikab.

Kung minsan ay sasabihin din nito: "Di pa kayo magsasara? Aba e mapupuyat kayo niyan." At kung anu-ano pa na hindi naman naging masama ang epekto kay Ka Asyong. Palibhasa nga’y tapat ang hangarin niya kay Liling. Naipangako niya sa sarili na kahit ano pa ang gawing pagka-istrikto ng ama nito ay hindi siya susuko. Matibay ang kanyang paniniwala na sa pagtitiyaga ay makakamtan niya ang pag-ibig ng dalaga at lubusang mapaaamo ang ama nito. Sinisiguro niya sa sarili na mamahalin din siya ng istriktong ama at magiging paborito.

Sa pagbalik galing sa bahay nina Liling sa Pasong Putik ay maglalakad uli ng apat na kilometro si Ka Asyong. Madilim ang lugar na dinadaanan niya sapagkat nang mga panahong iyon ay wala pang gaanong ilaw sa kalsada dahil hindi pa gaanong debelop ang lugar. Magubat pa ang lugar na ang mga nakatanim ay mga mangga at sa paligid ay ang matataas na kogon at talahib. Kahit na madilim ay panatag ang kalooban ni Ka Asyong. Noon ay wala pa namang mga naglipanang masasamang loob o mga drug addict na maaaring makasalubong. Ligtas pa ang paglalakad ng mga panahong iyon at ligtas siyang makararating sa kanilang bahay sa bayan ng Novaliches.

Isang taon na matiyagang niligawan ni Ka Asyong si Liling at sa wakas ay nakamit din niya ang pag-ibig ng dalaga. Sino ang hindi magiging masaya sa pagkakataong iyon na ang puso at damdamin ng babae ay mapasa-kanya na. Sa pakiwari niya, isang malaking tagumpay ang nangyari sa kanyang buhay.

Inihanda ang kanilang kasal ni Liling. Nagkasundo ang kani-kanilang mga magulang. At ayon kay Ka Asyong, ang kasal nila ni Liling ang isa sa pinaka-engrandeng naganap sa Pasong Putik. Malaki ang handaan. Marami ang dumalo at nakisaya. Sa Our Lady of Mercy Church sa Novaliches sila ikinasal noong 1953.

At isa sa nakapagtataka ay nang sabihin ni Ka Asyong na sa kabila na engrande ang kanilang kasal ni Liling ay wala siyang ginastos sa okasyong iyon. Pawang bigay o donasyon lamang ng kanyang malalapit na kaibigan. (Itutuloy)

ASYONG

IGNACIO S

KA ASYONG

LILING

NIYA

NOVALICHES

PASONG PUTIK

PAULINA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with