^

True Confessions

Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Ika-2 labas)

- Ronnie M. Halos -
Bago naging crane operator sa Jacinto Iron Steel Sheets Corp. (JISSCO) si Ka Asyong ay marami pang hirap siyang dinaanan para tuluyang makamit ang kanyang pangarap sa buhay at tuluyang makatakas sa kinamulatang kahirapan.

Ang kanyang kabataan ay pawang sa pagtatrabaho lamang naukol. Wala siyang kaalam-alam sa paglilibang, bisyo at kung anu-ano pa. Wala siyang oras na nasasayang. Para sa kanya ang isang naghahangad umasenso ay hindi kailangang tumigil o magpahinga. Hangga’t makakaya kailangang matapos ang lahat ng gagawin.

Una niyang naging trabaho ang pagkukundoktor sa bus. Nang mga panahong iyon, kasikatan pa ng Halili Transit na bumibiyahe sa Baclaran, Monumento, Malinta, Quiapo, Doroteo Jose at Sta. Cruz. Sa trabaho niyang ito nagsimula ang kanyang tibay ng loob para hangarin na umangat sa buhay. Nakatulong nang malaki ang pagiging konduktor para makita niya ang iba’t ibang kalagayan ng mga kababayan na sa kabila ng pagsisikap at pagtatrabaho ay nananatili pa ring mahirap. Kayod nang kayod subalit ganoon pa rin ang kalagayan. Pinag-aaralan niya ang mga bagay-bagay. Sa bawat pasada ng Halili Transit ay may natutuhan siyang aral na nagdaragdag sa pagnanais na umangat ang kinalalagyan.

Malaki ang paniniwala ni Ka Asyong na ang pagtatamo rin ng edukasyon ay isa sa mga pangunahing paraan para madaling matamo ang pangarap. Bago pa niya naisip na magkonduktor sa Halili Transit, ang pag-aaral na niya sa kolehiyo ang kanyang iniisip. Kailangang makatapos siya sa pag-aaral sa anumang paraan. Naisip niya na dapat ay angkop na kurso ang dapat niyang kunin na magsasanay sa kanya at magdadala sa tagumpay.

Habang nagkukundoktor sa Halili Transit, nag-aral siya sa gabi sa United Technical Institute ng Agriculture. Isang self-supporting student. Masipag siyang mag-aral.

Sabi nga ni Ka Asyong, ngayon daw ay kaiba sapagkat itinutulak pa raw ng mga magulang ang kanilang anak para mag-aral e ayaw pa at nagbubulakbol lamang. Noon daw ay kulang na kulang ang mga estudyante at hinihikayat pa ng mga school para sa kanila lamang mag-enrol.

Bihirang kabataan ang makagagawa ng katulad ng ginawa ni Ka Asyong na para makapag-aral ay kailangang magtrabaho para may maipang-tuition. At gaano kahirap ang maging konduktor ng bus. Bugbog-sarado sa trabaho, nakaamba ang disgrasya habang bumibiyahe, nakalantad sa pollution at kung anu-ano pang problema. Gaano na ba ang kanyang kinikita ng panahong iyon na halos ay hindi rin sapat sa kanyang pangangailangan.

Pero nasa dugo niya ang katapangan sa pagharap sa problema. Alam niya na ang pagsisikap at pagtitiyaga ay lagi nang may bunga.

Nakatapos siya ng pag-aaral sa United Technical Institute at alam niyang patungo na siya sa pag-akyat sa hagdan sapagkat mayroon na siyang kaalaman sa pakikibaka sa "laro ng buhay". (Itutuloy)

ALAM

DOROTEO JOSE

HALILI TRANSIT

JACINTO IRON STEEL SHEETS CORP

KA ASYONG

NIYA

PARA

UNITED TECHNICAL INSTITUTE

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with