^

True Confessions

Yapak sa Bubog (Ika-151 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar, Saudi Arabia)

Liberated na babae. Iyon ang pakahulugan ko sa mga katapangang ginawa at ipinadama sa akin ni Aziza. Bagamat hindi ko lubusang alam ang relasyon niya sa kanyang waled at waledah (ama at ina), nasisiguro kong gusto niyang salungatin ang utos ng mga ito. Ibig niyang humiwalay sa nakagisnang paniniwala na ang babae ay itinatago at hindi dapat makihalubilo sa mga lalaki. Ang kaanyuan ng babae ay hindi dapat makita ng lalaki maski ang dulo ng kuko. Saka nasagot ang maraming katanungan sa aking isip noon na kulang na lamang ay huwag nang palabasin sa bahay ang babae sa Saudi Arabia upang hindi makita ng lalaki. Haram o bawal sa isang babae na makipagmabutihan sa publiko.

Noong una kong tapak sa Saudi, labis ang aking pagtataka sapagkat sa mga pampublikong sasakyan (bus at taxi) ay pawang mga lalaki ang sumasakay. Bawal ang babae. At kapag sa pila sa banko, mall, store at zuk (palengke) ay may sariling pila ang babae. Hindi sila inihahalo sa mga lalaki.

Walang babaing nagda-drive ng kotse sa Saudi. Bagamat may mga babae nang nagtatrabaho na karamihan ay sa mga ospital (gaya ni Mam Noor), iyon ay mabibilang lamang sa daliri. Mababa pa rin ang tingin sa babae kung ang pag-uusapan ay ang talino. Hindi nakikita ang kakayahan ng babae. At labis naman akong nagtataka sapagkat nalaman ko na karamihan sa mga lalaking Saudi ang gusto nilang maging anak ay babae. Sa dakong huli’y nalaman ko na nag-aakyat ng yaman ang anak na babae sa kanyang mga magulang dahil sa natatanggap na dowry. Binibili ng lalaki ang babae at ayon sa nalaman ko, umaabot ng kalahating milyong riyal ang dowry.

Sinasabi ko ang mga ito sapagkat habang tumatagal ay lalo pang nagiging liberated si Aziza na para bang sabik sabik siyang maranasan at matikman ang maging malaya. Ewan ko, subalit ang mga pagpapaubaya niya na damahin ko at lasahan ang buo niyang katawan ay bahagi ng kanyang pagrerebelde at gustong talikdan ang mga nakasaad sa kanilang batas at kultura.

Naiisip kong hindi naman niya siguro talaga ako mahal o iniibig. Ang sa kanya’y pagpapakita ng pagsuway sa maling kalakaran. Ganoon marahil ang dahilan kaya nagiging marahas at mapangahas sa mga aksiyon gaya ng ginawa sa akin. Natatakot naman akong mahulog at lubusan siyang mahalin upang sa dakong huli’y malamang ginagamit lamang pala niya ako at pinagpa-praktisan. (Itutuloy)

AL-KHOBAR

AZIZA

BABAE

BAGAMAT

BATAY

MAM NOOR

REN E

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with