^

True Confessions

Yapak Sa Bubog (Ika-141 Labas)

- Ronnie M. Halos -
WALA na ngang nakapigil sa desisyon nina Sir Al-Ghamdi at Mam Noor na pauwiin si Ellie. Para kina Sir at Mam matatanggap nila ang pangyayari, tao rin naman sila na marunong ding umunawa at naniniwalang magkakapatid ang lahat sa mundo, kaya lamang, masama ang epekto kay Aziza sa pagkakatuklas ng lihim. Masamang halimbawa lalo pa at isa itong dalaga. Haram iyon. Kasalanan. Kung hindi aalis si Ellie ay baka si Aziza ang gumawa ng paraan para ito maipakulong. Ayaw naman nilang mangyari iyon. Alam nila na mahigpit sa kanilang bansa at ang batas ay ipinatutupad, ma-babae man o ma-lalaki. Wala raw paraan kundi umalis si Ellie para maiwasan ang parusa. Yajeban azhab al-an, sabi ng mag-asawa.

Kaming dalawa nga ni Sir ang naghatid kay Ellie sa airport kinabukasan ng gabi. Nang lumabas kami sa gate ay nasulyapan ko si Aziza sa may bintana. Nakatingin sa amin. Ang pagkakangiti ay malalim at makahulugan. Sa tingin ko, masaya sa tagumpay. Hindi nakita ni Ellie si Aziza sa huling sandali.

Habang hinihintay namin si Sir na matapos sa pagdarasal (inabutan kasi kami ng salah sa airport) ay masinsinan ang pag-uusap namin ni Ellie. At ewan ko ba kung bakit sa pagkakataong iyon ay ipinangako ko kay Ellie na desidido na akong umalis na rin sa paninilbihan kina Sir. Gaya nga ng sabi ko sa kanya, mga isang linggo lamang ay magpapaalam na rin ako kina Sir.

Nakatingin sa akin si Ellie. Para bang hinahanap ang katotohanan sa aking mga sinabi.

"Kung binibiro mo lamang ako e bahala ka," sabing matatag. "Sanay na naman ako sa’yo."

"Hindi ako nagbibiro. Tayo ang magsasama sa Maynila."

"Paano ang pamilya mo?"

"Hati-hati."

"Sabagay, matagal mo na rin naman silang niloloko."

"Gusto ko mag-abroad uli tayo pagdating mo sa Pinas."

"Dito rin sa Al-Khobar?"

"Huwag. Mag-Hong Kong tayo."

"Ano namang trabaho ko roon?"

Hindi na nakasagot si Ellie sapagkat nakita namin ang paglapit ni Sir. Dumistansiya ako kay Ellie.

Si Sir ang naghatid kay Ellie sa Immigration. Pumasok si Ellie. May pinirmahang release paper si Sir at tuluy-tuloy nang pumasok si Ellie sa loob patungo sa gate ng sasakyang eroplano. Hindi na siya tumingin sa akin. (Itutuloy)

AZIZA

ELLIE

MAG-HONG KONG

MAM NOOR

NAKATINGIN

SI SIR

SIR

SIR AL-GHAMDI

SIR. DUMISTANSIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with