Yapak sa bubog (Ika-125 Labas)
February 18, 2002 | 12:00am
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)
Galit si Aziza sa nakaiistorbong pagdating ni Ellie. Ano raw ang kailangan ni Ellie at nagpunta sa kuwarto. Ang kanyang tinig ay may kapangyarihan na para bang siya lamang ang may karapatan sa lahat ng bagay.
"Maza tamalin?" tanong din naman ni Ellie na (Ikaw ano ang ginagawa mo rito). Ako naman ay hindi makakibo at parang naipit sa nag-uumpugang bato.
"Lemaza ataita ela hona?" tanong uli ni Aziza (Ikaw bakit ka narito?)
Sumagot din naman si Ellie na kailangang umuwi na si Aziza sa kabilang bahay para matulog. Iyon umano ang bilin ng kanyang waled at waledah (ama at ina). Tumawag pa umano sa telepono ang mga magulang para paalalahanan si Aziza.
Hindi pinansin ni Aziza ang mga sinasabi ni Ellie. Nanatili ito sa pagkakahiga sa kama. Ang pagkakalilis ng damit ay binatak pababa. Parang nakadama rin ng hiya. Ako naman ay walang kakibu-kibo sa sulok. Nakikiramdam sa mangyayari pang pagsasabong ng dalawang babae.
Lumapit sa akin si Ellie at may ibinulong.
"Bat nakahiga sa kama mo ang bruhang yan?"
"Hindi ko mapigil. Biglang pumasok dito at hindi ko naman mapagbawalan. Baka awayin ako."
Nakahalata na siya ang aming pinag-uusapan at biglang sumigaw si Aziza. Galit. "Maza yani zalek?"
Bigla kaming natahimik. Pero malakas na ang loob ni Ellie at sinabihan muli si Aziza na lumabas ng kuwarto sapagkat magagalit ang kanyang waled at waledah. Haram ang pumasok sa kuwarto ng lalaki. Subalit mas matindi ang sagot ni Aziza. Bakit din daw naroon si Ellie sa kuwarto ng lalaki. Haram din ang ginawa ni Ellie. At nagbanta na maaari niyang isumbong si Ellie dahil sa ginawa.
Sa tingin koy parang nabuhusan ng tubig si Ellie. Biglang nagbago ang tono ng boses. Ako na ang nakiusap at nag-sorry kay Aziza.
"Mazerdan, Aziza," sabi ko. Ipinaliwanag ko na kailangan na niyang matulog sapagkat malalim na ang gabi. Baka magalit ang kanyang waled kapag nalamang gising pa siya.
Sa pakiusap koy lumambot ang rebeldeng si Aziza. Tumayo sa pagkakahiga sa kama. Inirapan nang matalim si Ellie bago lumabas ng kuwarto.
Ako ay walang kakibu-kibo. Hindi ko matingnan nang deretso si Ellie. Alam ko away na naman ang kasunod niyon. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended