^

True Confessions

Yapak Sa Bubog (Ika-109 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

HINDI ko maintindihan kung ano ang isinesenyas ni Aziza. Alam ko na hindi siya maaaring sumigaw sapagkat baka marinig ng kanyang waleh at waledah. Hindi naman ako gaanong makalapit sa bintana sapagkat baka biglang dumungaw si Sir at Mam na alam kong gising pa rin sa mga oras na iyon.

Naguluhan ako at hindi malaman ang gagawin sa pagkakataong iyon. Ang pagkasabik sa pagniniig namin ni Aziza ay lalo namang nag-aalab. Kung hindi matutuloy ang nakatakdang pagsasanib ng aming mga katawan ay hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Baka makagawa ako ng masamang hakbang. Ibig ko nang sumigaw nang patuloy na sumisenyas si Aziza na hindi ko naman malaman kung ano iyon. Pilit kong iniintindi ang kanyang mga senyas at buka ng bibig subalit hindi ko makuha ang ibig sabihin.

Pumasok ako sa kuwarto dahil sa pagkalito. Natatakot din naman ako na baka nakasilip na sa bintana si Sir o si Mam ay hindi ko pa alam. Pagkaraa’y lumabas muli ako sa kuwarto para ipaalam kay Aziza na hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. Nakadungaw pa rin si Aziza at sa pagnanais marahil na makuha ko ang ibig niyang sabihin ay nagsalita pero iyon ay napakarahan at waring tinatangay ng hangin.

"Afwan. Aheso be dawakhan."


Hindi ko pa rin maintindihan. Inulit. Hindi pa rin.

"Hal tafhamani?"
(Naintindihan ko na raw?)

"La afhamok."
(Hindi ko maintindihan)

Naasar marahil sa hindi ko pagkakaintindi kaya isinara ang bintana at pinatay ang ilaw. Lalo na akong hindi mapakali. Hinintay kong buksan muli ang ilaw subalit hindi na ginawa. Gusto kong magwala sa pagkakataong iyon. Gusto ko na siyang akyatin sa kuwarto. Subalit nagpigil pa rin ako. Magdamag kong inisip ang nangyaring iyon.

Kinabukasa’y masama pa rin ang loob ko pero hindi ko ipinahalata. Nang ihatid ko sa school sina Aziza ay ito na ang gumawa ng paraan para ako makausap. Sinabi sa akin kung bakit hindi natuloy ang balak. Nahihilo raw siya kagabi at iyon ay dahil sa biglang pagdating ng kanyang menstruation.

Naintindihan ko ang kalagayan niya. Napawi ang hinanakit ko sa magandang dalaga. Sabi ko’y makapaghihintay ako hanggang mawala ang dugo sa mayamang disyerto.

"Maza qolt?"
(Anong sinabi mo?) tanong ni Aziza.

"La shai."
(Wala) sagot ko.

(Itutuloy)

AKO

AL KHOBAR

AZIZA

IYON

NAINTINDIHAN

REN E

SAUDI ARABIA

SI REN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with