^

True Confessions

'Pinaglaruan kami ng mga duwende' (Ika - 8 labas)

-
Gusto ko nang masiraan ng loob sa mga kakatwang nangyayari. Wala akong magawa kundi magdasal. Noon ko rin pinagpasyahang ipaalam sa aking asawang si Jun ang mga nangyayari. Si Jun ay nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Matagal nang nagtatrabaho roon si Jun. Noong una ay hindi ko ginawang sabihin sa kanya ang mga kakatwang nangyayari sapagkat wala namang kakuwenta-kuwenta kung pati iyon ay ikukuwento ko sa kanya. Baka magdulot lamang ng pag-aalala sa kanya habang nagtatrabaho roon. At saka iniisip ko ring baka pagtawanan lamang niya at hindi maniwala.

Tinawagan ko sa telepono si Jun at ikinuwento ang mga nangyari. Noong una’y hindi rin maniwala subalit sa dakong huli’y nakumbinsi ko rin. Wala siyang naipayo sa akin kundi ang magdasal. Baka raw nagkukulang na ako ng pananampalataya sa Diyos kaya nangyayari iyon. Ang pananampalataya sa Diyos, sabi pa ni Jun ang tanging panlaban sa mga masasamang espiritu. Lagi raw kaming mag-ingat, paalala pala ni Jun.

Ikatlong linggo ng November, patuloy ang ginagawang paglalaro sa amin ng mga hindi nakikitang "nilikha". Pagkatapos mawala ang bag at uniporme ni Gina, ang kanyang sapatos naman ang misteryosong nawala. Halos ganoon din ang pangyayari. Ang sapatos ay nakahanda nang suutin ni Gina at iniwan sa malapit sa may pintuan ng kuwarto. Nang isusuot niya ay biglang nawala at hindi na makikita. Pagkaraan ng ilang araw ay saka lamang namin iyon makikita. Kung minsan ang kabiyak lamang ng sapatos ang mawawala. Minsan, nawala ang kabiyak at dahil hindi nga makita, sinabi ko kay Gina na ang lumang sapatos na lamang muna ang isuot niya.

Nang isuot naman ang lumang sapatos, ay kakatwa na naman ang nangyari. Napatid ang garter sa loob ng sapatos. Nakapagtataka sapagkat alam kong matibay pa ang garter ng sapatos. Sabay pang napatid ang garter ng dalawang sapatos. Pinagdugtong ko sa pamamagitan ng pagtatahi ang garter subalit nang isuot uli ni Gina ay napatid na naman.

May pagkakataong ang mga medyas naman ni Gina ang nawawala. Halos lahat ng kanyang mga gamit na may kaugnayan sa pagpasok sa school ang napapansin naming nawawala.

Huling linggo ng November, ibang pangyayari na naman ang naganap. Nagising na lamang kami na nakatali o nakagapos ang mga kamay ni Gina. Panyo ang ginamit na pantali. (Itutuloy)

DIYOS

GINA

NANG

NOONG

SAPATOS

SAUDI ARABIA

SI JUN

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with