Mapait na asukal (Ika-77 Labas)
August 31, 2001 | 12:00am
Nagtaka si Lara sa ipinakitang ugali ng mommy ni Jay. Mabait at mapagkumbaba na. At hindi iyon pagkukunwari. Kilala ni Lara ang taong nagkukunwari. Ang mommy ni Jay ay seryoso sa mga sinasabi at pagpapadama ng sinasaloob. Ibang-iba na ito.
Habang nasa kusina ang biyenan, binulungan ni Lara si Jay tungkol sa nakitang pagbabago. Hindi makapagsalita si Jay. Nang magsalita ay hindi rin tiyak kung bakit biglang naging nagbago ang kanyang mommy. "Siguroy napag-isip-isip na marami rin siyang pagkakamali."
Mas lalong nagtaka si Lara nang tanungin siya ng biyenan kung kailan siya bibigyan ng apo. Kumakain sila ng lunch nang itanong iyon. Hindi agad nakasagot si Lara. Si Jay ang sumagot na wala pa. Nagbiro pa ito na baka baog si Jay kaya wala pa silang anak. Sa tagpong iyon, ibig magbalik sa diwa ni Lara ang nangyari sa pagitan ni Jay at mommy nito. Sumisiksik na pilit. Iwinaksi ni Lara ang masamang tagpong iyon. Hindi na nararapat sapagkat bagumbuhay na sila ni Jay. Panibagong chapter na ng ibang libro ang kanilang binubuklat.
Mula noon, naging madalas na ang pagdalaw nina Lara sa bahay ng kanyang biyenan. Kung minsan, ang biyenan ang dumadalaw kina Lara. May panahon na kasi ito mula nang ilipat sa iba ang pagma-manage sa mga negosyo. Masayang-masaya na silang tatlo. Wala nang nalalasahang pait.
Ang kasagutan sa mga tanong ni Lara kung bakit biglang nagbago ang kanyang biyenan ay sinagot makaraan ang anim na buwan. Namatay ang kanyang biyenan. Isang matinding atake sa puso ang dahilan. Hindi na nadala sa ospital.
Nang nakaburol na, madalas itong sinisilip ni Jay sa loob ng kabaong. Hindi ito umiiyak subalit bakas ang kalungkutan sa pagkamatay ng nagisnang ina. Kahit pa may ginawa ito sa kanya, tinitingnan pa rin niya ang pagkupkop na ginawa nito mula nang siyay isilang.
Inilibing ang mommy ni Jay. Kasamang inilibing ang lihim. Walang naging bahid sa pangalang iningatan. Ilang buwan pa ang nakalipas, may isang bagong buhay naman na nakatakdang pumalit sa namayapa. Isang pintig ng buhay kay Lara. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended