Mapait na asukal (Ika-70 na labas)
August 24, 2001 | 12:00am
Naitago nina Jay ang lihim. Nagpatuloy ang kanilang buhay. Subalit sa kabila niyon may pader pa ring nakapagitan sa kanilang dalawa.
Nakatapos si Jay sa pag-aaral. Isa siya sa mga nangunguna sa klase. Hinawakan niya ang isa sa kanilang mga negosyo. Mahusay niyang nahawakan. Hanggang sa magsarili at magtayo ng ibang negosyo. Luminya sa mga accessories ng computer. Nagtayo ng internet cafe. Parehong successful. May nakisosyo at nagkaroon ng mga branches. Sandaling nalimutan ang hilig sa teatro at pagsulat ng play. Noon niya nalaman na maaari nga palang turuan ang sarili na mahalin din ang kinamumuhian.
Marami siyang naging kakilala at mga nakapartner sa negosyo. Hanggang sa lumawak nang lumawak pa ang nalalaman. Nag-aral pa uli. Nang makakaya nang tumayo ay nagpaalam sa kanyang mommy na magsasarili na. Ayaw pumayag ng mommy niya subalit wala ring nagawa sa dakong huli. Tumira siya sa isang condo sa Makati. Kapag Linggo na lamang niya dinadalaw ang kanyang mommy. Sa kabila niyon, nararamdaman pa rin niya ang pader na nakapagitan. Ang nakaraan ay bumabalik kahit nagkapatawaran na at sarado na ang aklat. Talaga sigurong ganoon, mahirap nang mabalik ang isang nabasag.
Hindi na nga naulit ang nangyari ng gabing iyon, subalit ang kaistriktahan ng kanyang mommy at pagiging mapagmataas ay naroon pa rin. Kakambal na yata ng ugali nito. Kung minsan at hindi niya nadadalaw kung araw ng Linggo ay prangkahan pa rin kung magsalita. Nalilimutan na raw ba siya kaya hindi dinadalaw. Porke raw maaari nang mag-isa at tumayo sa sariling mga paa. Magso-sorry siya. Hindi na mauulit. Masyado lang busy sa negosyo. Nang mga panahong iyon, kinalimutan na ng kanyang mommy ang pag-inom ng alak. Winarningan na kasi ito ng doktor na maaaring ikamatay ang pag-inom. Pabalik-balik kasi ang hypertension. Natakot sa warning ng doktor. Ayaw pa rin palang mamatay nang maaga.
Minsan ay tinanong ng kanyang mommy kung balak pa niyang mag-asawa. Wala siyang maisagot. Paano niya sasagutin ang isang bagay na mahirap sagutin. Natatakot siyang magmahal at mabigo. Lalo nang natakot dahil sa bangungot na nangyari. At paano maipaliliwanag ang banyagang damdamin na umaalipin sa kanya. Gusto niya ng babae subalit naaakit din naman siya sa lalaki. Tinatanong niya ang sarili kung may babae pa kayang tatanggap sa kanya sa kabila ng kanyang mahiwagang katauhan. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended