^

True Confessions

Mapait na asukal (Ika-69 na Labas)

- Ronnie M. Halos -
Humingi ng tawad kay Jay ang kanyang mommy. Lasing daw siya nang mangyari iyon. Nawala sa sarili at hindi napaglabanan ang tulak ng pagnanasa. Patuloy ang pag-iyak ng kanyang mommy. Masagana ang luha na dumaloy sa pisngi. Napapikit si Jay. Ayaw na niyang balikan pa ang nangyari subalit nagpupumilit. May ganoon ba talagang babae, naitanong ni Jay sa sarili. May edukada bang babae na nawawala sa sarili at gagawa ng kalaswaan? Baka umipekto ang pagpunta-punta sa mga gaybars? Parang mahirap paniwalaan na nawala sa sarili, sagot ng isipan niya. Sa dakong huli, wala siyang nagawa kundi paniwalaan ang mommy niya. Iyon lang naman ang magagawa niya.

Siya man, sabi ni Jay sa sarili ay madalas maitulak ng pagnanasa. Hindi ba’t kung ilang ulit na niyang tinangkang iwasan ang lalaking nagbukas sa kanya sa kamunduhan subalit hindi rin niya magawa. Ilang beses na niyang minura ang sarili dahil kasalanan ang pagpatol sa kapwa lalaki. Marumi. Pero hindi niya napaglabanan ang sikad ng damdamin. Nagpagamit siya nang maraming beses at nagustuhan din niya. Nasarapan na siya. Inunawa niya ang nagisnang ina. Minsan, may mga bagay na mahirap talagang paglabanan at maunawaan.

Sarado na ang nangyaring iyon sa kanila. Tapos na ang lahat. Hindi na muling bubuksan ang libro.

"Ipangako mo na walang makaaalam ng nangyari. Kahiya-hiya sa pamilya natin," Pakiusap ng mommy niya.

Tumango si Jay. Malaki pala ang pag-iingat sa kanilang karangalan pero bakit nagawa nito ang maruming gawain sa kanya. Hindi niya maunawaan. Tulad din ng hindi niya pagkaunawa sa kanyang sarili na itinatanggi’t itinatago ang damdamin.

Kahit hindi iyon sabihin ng kanyang mommy, talagang gagawin niya ang lahat para hindi malaman ng iba ang nangyaring iyon. Mananatiling lihim hanggang sa huling sandali ng buhay niya. Hindi ba nga’t kahit na anong pagpipilit ng kanyang tita ay hindi niya sinabi ang tunay na dahilan ng kanyang paglalayas.

"Magsisimula uli tayo. Panibagong buhay," sabi ng mommy niya.

Sana nga, naibulong ni Jay sa sarili. Sana nga’y magbago na ang kanyang mommy.(Itutuloy)

AYAW

HUMINGI

ILANG

INUNAWA

KANYANG

MOMMY

NIYA

SANA

SARILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with