^

True Confessions

Hiyasmin (100)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Kinabukasan, maaga na namang gumising si Hiyasmin at naglinis ng bahay. Pinunasan ang mga salamin ng bintana at pati sahig sa salas. Bawat sulok ay matiyagang pinunasan.

Nang magising si Dax ay hiyang-hiya siya nang tapakan ang sahig sa salas. Mukhang kanina pa naglilinis si Hiyasmin.

“Kanina ka pa naglilinis, Hiyasmin?’”

“Opo. Ilang araw ko na ring hindi nalilinis itong sala. Marami pong alikabok. Baka tayo magka-allergy kapag hindi nalinis.’’

“Magpahinga ka naman. Hindi ka katulong dito.’’

“Tatapusin ko lang po ito.”

“Pagkatapos niyan ay ang pag-aaral naman ang tutukan mo.’’

“Wala na akong pag-aaralan, Sir Dax. Di ba sinabi na nga na magna cum laude ako.’’

“Ay oo nga pala, ha-ha-ha! Nalimutan ko!’’

“Wala na po akong gagawin. Pupunta lang ako sa school para mag-clearance at iba pa.”

“A oo. Baka may babayaran ka pa?’’

“Wala na po.”

“Good.’’

“Nakahanda na nga pala ang almusal, Sir Dax—fried rice, fried egg at daing na galunggong.’’

“Wow sarap! Thanks. Ikaw nag-almusal na?”

“Opo.’’

“Sige tapusin mo na yan at mag-rest ka na.’’

“Opo.’’

(Itutuloy)

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with