^

True Confessions

Mapait na asukal - (Ika-56 na Labas)

- Ronnie M. Halos -
Pinili ni Jay na kimkimin kung anuman ang sumisikad sa kanyang damdamin. Baka kung ipagtapat niya sa kanyang mommy ay hindi siya maunawaan at magdulot lamang ng kung ano pang problema. Nagsasawa na siya sa pag-iisip sa maraming "hiwaga" ng kanyang buhay.

Nasa third year siya sa college nang isa pang ‘‘hiwaga’’ ang nangyari sa kanya. Nabuksan ang kanyang kamalayan sa pangyayaring iyon. Ayaw niyang mangyari iyon subalit malakas ang hatak sa kanyang sarili. Gusto niyang iwasan subalit wala siyang magawa. Unang pagtikim niya sa "kasalanan".

Isang estudyanteng lalaki na miyembro ng teatro na kanyang idini-direct ang nagmulat sa kanya. Mas matanda sa kanya ng isang taon ang lalaki. Guwapo ito. Lalaking-lalaki ang tindig. Makinis. Naging malapit sa kanya ang lalaki. Nagkakaisa ang kanilang mga pangarap at hilig sa buhay. Saka ay nalaman din niyang nagkakapareho rin pala ang kanilang "damdamin". Nagtatago rin pala sa dilim ang lalaki.

Nangyari ang "hiwagang" iyon nang isagawa ang kanilang rehearsal sa teatro sa isang resort sa Laguna. Isang araw ng Linggo. Pinaghandaan nila ang isang malaking kasayahan sa unibersidad at ang play na kanyang isinulat ang tampok sa mga ipalalabas. Ambag-ambag sila sa gastos na magkakaklase. Ang iba pang kailangan sa set ay sinagot niya para lamang maging makatotohanan ang kanilang ipalalabas. Sinabi niya sa kanyang mommy ang lakad niyang iyon. Walang pagtutol sa kanyang mommy. Dalawang gabi sila sa resort.

Nagkataon na sa iisang kuwarto pala sila magkakasama ng lalaki. Naiilang siya. Nahihiya pa siyang maghubad sa harap ng lalaki. Dalawa ang kama sa kuwartong inokupa nila.

Nang matutulog na sila ay nagulat siya nang lumipat sa tabi niya ang lalaki. At nalaman niya ang lahat. Iisa nga ang kanilang damdamin ng lalaki. Walang ipinagkaiba.

Iminulat siya ng lalaki sa "larong" iyon. Ayaw niya. Tumatanggi siya subalit sa kabilang parte ng kanyang utak ay may sumisigaw namang huwag nang magpakipot. Sayang ang pagkakataon. Nagpaubaya na siya. Nagbilang na lamang siya ng mga bituin habang ang kasamang lalaki ay naglalaro nang naglalaro. May kaba siyang naramdaman subalit saglit lamang dahil maraming bituin siyang nabilang. Isa, dalawa, tatlo... a marami. Kumpul-kumpol. (Itutuloy)

AMBAG

AYAW

DALAWA

ISANG

KANYANG

LALAKI

NIYA

SIYA

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with