^

PSN Showbiz

Aktor na naging kontrobersyal ang pakikipaghiwalay sa ex, baby boy ang panganay sa non-showbiz gf!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Gustung-gusto na sana naming banggitin kung sinong aktor na malapit nang maging ama, dahil tingin naman namin hindi siya magagalit kapag lumabas na ito.

Pero ayaw namin siyang pangunahan para ibahagi ang magandang balitang ito.

Nalaman kasi naming nakatakda na siyang lumipad ng Amerika para nandun siya kapag manganganak na ang kanyang non-showbiz girlfriend.

Masayang-masaya raw siya lalo nang nalaman niyang baby boy ang magiging first baby nila, at may naisip na nga raw silang pangalan.

Tuwang-tuwa raw siyang kinukuwento sa ilang malalapit na kaibigan at ipinapakita pa nga raw ang resulta ng 4D Sonogram ng baby, at lumalabas na kamukha raw niya ito.

Kaya hintayin na lang nating ipo-post ito ni guwapong aktor sa kanyang Instagram account.

Natapos na niya ng shooting ng pelikula niya na dinirek ng isang multi-awarded director. Kaya tiyak na mapapag-usapan ito kapag magpo-promote na siya ng kanyang pelikula.

Barbie, ayaw angkinin ang loveteam nila ni David!

Hindi natutuwa si Barbie Forteza kapag nakakarating sa kanya na siya lang ang nagdadala sa tambalan nila ni David Licauco.

Lalo na ang komento ng ilan na kung wala si Barbie, hindi sisikat ng ganun si David.

Unfair naman daw sa ka-loveteam niya kung ganun ang tingin ng iba.

“Actually nalulungkot nga ako kapagka may naririnig akong ganun,” pahayag ng multi-awarded Kapuso actress.

“Kasi parang nawalan ng purpose na tinawag pa kaming loveteam kung wala ‘yung teamwork, hindi ba?

“Parang a loveteam will not work kung hindi kayong dalawa ‘yung magtatrabaho din talaga,” sabi pa ni Barbie.

Pagkatapos mag-hit ang tambalang BarDa nina Barbie at David, sinubukan sila sa Maging Sino Ka Man, at ngayon ay nasundan ng Pulang Araw kasama sina Alden Richards, Sanya Lopez at Dennis Trillo.

Mahirap patunayan ang lakas nila sa mga pelikula, dahil sa hindi pa talaga okay ang mga Tagalog na pelikula natin sa mga sinehan.

Pero tingnan natin dito sa That Kind of Love na dinirek ni Catherine Camarillo.

Sa July 10 na ang showing nito at sana nga magiging solid ang suporta ng BarDa fanatics.

Sen. Lapid, may pakiusap sa mga taga-media

Nagiging showbiz na ang dating, dahil naging maintriga na itong pag-raid sa isang POGO Hub sa Pampanga, dahil kumabit doon ang isyu ng dating Presidential Spokesperson Harry Roque at ng dating Mr. Supranational 2016 na si AR dela Serna.

Dito na natuon ang atensyon ng mga intrigero dahil nabigyan ng malisya ang nadiskubre roon na biyahe ng dalawa sa Ukraine, Poland at sa iba pang bansa.

Pero ang totoong isyu rito ay ang POGO Hub sa Pampanga sinalakay ng mga tauhan ng Presidential Anti-Crime Commission o PAOCC.

Iminumungkahi ni Sen. Lito Lapid na isang Kapampangan na dapat ay imbestigahan na rin ito sa Senado.

Kailangan daw na malaman ang katotohanan.

“Nananawagan kami sa ating mga kapatid sa media at social media na maging responsible at mapanuri, bago magpahayag ng mga walang basehang akusasyon, nang sa ganun ay maiwasang mapagbintangan ang mga inosente at walang kasalanan,” seryosong pahayag ni Sen. Lito Lapid.

Pinuri na rin ni Sen. Lapid ang mga taga-PAOCC na pinamumunuan ng PAOCC Undersecretary Chief Gilbert Cruz.

Samantala, isa si Sen. Lito Lapid sa tatanggap sa Eddys special award ng SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors bilang isa Film Icons sa darating na July 7 na gaganapin sa Ceremonial Hall ng Marriott Hotel sa Pasay City.

Makakasama niya sa pararangalan sina Gina Alajar, Nova Villa, Leo Martinez at Eva Darren.

Gagawaran din ng Posthumous award ang Hari ng Komiks na si direk Carlo J. Caparas.

vuukle comment

BARBIE

DAVID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with