^

PSN Showbiz

Porke nasa Canada muna… Lara at Marco, pilit pinaghihiwalay

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Porke nasa Canada muna� Lara at Marco, pilit pinaghihiwalay
Marco at Lara
STAR/File

“Bakit ba gusto niyo kaming maghiwalay?” ‘Yan ang tanong ni Precious Lara Quigaman sa netizens nang nagtatanong ang mga ito kamakailan.

NEVAHHH na hiwalay sina Marco Alcaraz at Lara Quigaman! ‘Yan ang paglilinaw nilang dalawa nang may netizens na nagbibida-bida sa post na hindi galing sa kanila na nagsabing, “Minsan kailangan mong lumayo para makita ang tunay na halaga mo. Huwag kang matakot mag-isa dahil doon mo makikilala ang sarili mo.”

Tuloy, ikinomedi na lang ni Lara at sinabing, “minsan, lumalayo po talaga ako, naglo lock ng door ng CR para mag-isa , pero hindi para makilala ko ang sarili ko, kundi para makatakas sa ingay sa bahay kahit 5 minutes lang.”

Masaya ang mag-asawang Lara at Marco Alcaraz kasama ang kanilang tatlong anak sa Vancouver, Canada ngayon. Doon na ba sila maninirahan permanently? Or at least may option sila doon ala Ariel Rivera at Gelli de Belen?

Subok-subok muna sila doon, hintayin natin ang kanilang final decision.

Nadia, ‘di ilalapit ang anak kay Baron

Pinag-uusapan pa rin ang anak ni Nadia Montenegro kay Baron Geisler at sari-saring tanong pa rin ang lumilitaw – bakit nga ito itinago noon?

Bakit kaya ayaw magkaroon ng magandang relasyon o samahan ang mag-ama kung sakali?

Pati ito itinatanong, bakit hindi pantay ang mata ni Nadia?

Dahil ba ito sa stroke niya noon?

Pati ito: Ano na ang masasabi ni Nadia sa POGO at kay Alice Guo at sa pag-intrude ng Chinese vessels sa ating mga karagatan?

Lahat na lang itinatanong na kay Nadia – dahil ba isa rin siyang nagtatrabaho na sa gobyerno?

Shawie, nililigawan ni Robin!

So si Megastar Sharon Cuneta pala ang napupusuan ng Borracho Films na gumanap bilang co-star ni Robin Padilla sa life story ni Gringo Honasan?

Hihintayin ng mga tao ang magiging desisyon ng Megastar lalo pa’t may bahid pulitika ito at kahit saan tingan, magiging isang pre-campaign movie ito sa kung anumang plano ng dating senador Honasan.

Hindi ba’t napipinto rin ang pagtakbo muli ng asawa ni Mega na si Senator Kiko Pangilinan sa susunod na eleksyon muli?

Wait natin ang magiging desisyon ni Mega.

Carmina, pinagsasalita kina Kyline at Kobe

May relasyon na ba sina Kyline Alcantara at Kobe Paras?

Nanatiling tanong ito ng netizens matapos kumalat sa social media ang kanilang video together. Weno naman ngayon? Ikakasikat ba niya ‘yan? Ikagagaling ba niya bilang aktres?

Mas interesante pa siguro ang mga tao sa magiging reaksyon ni Carmina Villarroel dito kung sakali. Sabeeeeh?

Knowing Mina hindi niya papatulan ito, pasikatin pa ba niya si Kyline?

Nakakataquote:

“Isang beses pa lamang sila nagkita, biglang in-announce na agad. So, asan dun ang intensiyon mo?... Ilagay mo sa tama kung ano ang intensiyon mo kasi ramdam na ramdam ko.” – Nadia Montenegro

vuukle comment

LARA QUIGAMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with