^

Police Metro

Militar nakaalerto sa anibersaryo ng CPP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inalerto na ni Phi­lippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido ang mga sundalo kaugnay ng paggunita sa ika-56 taong pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon kay Galido, palaging nakaalerto ang tropa ng Philippine Army laban sa mga bayolenteng aktibidades ng  New People’s Army (NPA) ang armed wing ng CPP.

Sinabi naman ni Phi­lippine Army Spokesman Col. Louie Dema-ala, pinaalalahanan na ng liderato ng kanilang hukbo ang mga sundalo sa frontlines na maging alerto at ipagpatuloy ang internal security operations upang tiyakin na iiral ang peace and order sa kanilang mga hurisdiksiyon.

Binigyang diin ng opisyal na mahalagang matiyak na makakapagdiwang at makapagsasaya sa Kapaskuhan ang bawat mga pamilya ng maayos at mapayapa.

Una nang inihayag ng CPP-NPA-NDF na hindi ito magdedeklara ng ceasefire sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong taon dahilan sa patuloy aniya ang pag-atake ng tropa ng militar sa kanilang hanay.

CPP-NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with