2025 national budget pipirmahan ni Marcos sa Disyembre 30 – PCO
MANILA, Philippines — Sa Disyembre 30, 2024 ay pipirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang P6.352 trillion national budget para sa susunod na taon.
“Signing on 30 December 2024 after the Rizal Day program in Manila,” pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez.
Nauna nang sinabi ni Chavez na hindi napag-uusapan sa Malacañang ang posibilidad na magkaroon ng reenacted budget para sa susunod na taon.
Aniya, hindi nababanggit ang tungkol sa reenacted budget sa nakalipas na dalawang pulong ng gabinete at ang ginagawa ngayon ay masusing pinag-aaralan ito.
Nakatakda sanang pirmahan ng Pangulo ang 2025 national budget noong Disyembre 20, subalit ipinagpaliban ito upang magbigay ng mas maraming oras para sa “isang mahigpit at komprehensibong pagsusuri”, ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
- Latest