^

Police Metro

LTO Chief sa mga motorista: Doblehin ang pag-iingat ngayong holiday season

Angie dela Cruz - Pang-masa
LTO Chief sa mga motorista: Doblehin ang pag-iingat ngayong holiday season
Land Transportation Office (LTO) chief Asec. Atty. Vigor Mendoza III on Jan. 18, 2024.
The STAR / Michael Varcas, File photo

MANILA, Philippines — Muling pinaalalahanan ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang mga motorista na doblehin ang pag-iingat ngayong holiday season.

Hinikayat ni Asec. Mendoza ang mga motorista na iprayoridad ang road safety at kaligtasan ng mga pedestrian.

Ugaliin aniyang suriin ang lagay ng sasakyan kasama ang gulong at makina para iwas aberya kapag nasa biyahe na.

Tiyakin ding nasa maayos na kondisyon ang drayber at malayo sa impluwensya ng iligal na droga o alak.

Nanawagan din ito sa mga motorista na habaan ang pasensya sa pagmamaneho at huwag pairalin ang init ng ulo para hindi masangkot sa road rage.

Una nang nagpakalat ng mga tauhan ang Land Transportation Office para matiyak ang maayos, ligtas, at hassle free na biyahe ng mga motorista ngayong holiday season.

LTO

MOTORCYLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with