Huling pasada, natepok pa
KUNG minsan tama itong mga patutsada ng ilan nating mga kababayan hinggil sa buhay-buhay natin sa araw-araw kasi nga, “kapag-oras mo, oras na talaga”, ito ang ang huling pasada ng 2 holdaper na natepok sa isang engkwentro sa mga kapulisan ng Taguig City Intelligence Units.
Sa totoo lang mga suki, marami na tayong nababalitaan na madalas na biktimahin nitong mga holdaper iyong mga nasa car wash establishment dahil hindi na naman lantad ito sa madlang pipol at sigurado na makukuha nila ang kanilang mga target dahil karamihan sa mga nagpapa-service dito ay may dala-dalang cash at alahas. Get nyo mga suki?
Subalit sa nangyaring ito ay tila huling pasada na ng mga holdaper dahil ang isa mismo sa kanilang hinoldap ay pulis na kasalukuyang nasa lugar at nagsasagawa ng surveilance kaya’t nang pinuwersa nito na kunin ang alahas at malamang kasama rin dito ang datung ay naging kampante lamang ang pulis.
Nang papatakas na ang mga ito sakay ng kanilang motorsiklo ay doon na sila sinundan ng mga kasamahang pulis at nauwi sa habulan. Sa halip na huminto ang mga ito ay nakipagputukan pa kaya’t ng makatyempo ang mga kapulisan na walang gaanong tao ay doon na sumambulat ang sunud-sunod na putok na sa kalaunan ay ikinasawi ng 2 hodaper. Huhuhu!
Nang masigurong hindi na makapanlaban ang 2 holdaper ay doon na nakitang duguan itong pulis na naka-sibilyan na may tama sa kaliwang braso, na agad naming itinakbo sa ospital. Ang matindi nito, nai-record sa mga cellfone ang actual na pangyayari dahil sa rami ng tao na nakasaksi.
At dahil sa pangyayaring iyon, binigyan ng medalya ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting chief P/BGen. Christopher Abrahano ang kapulisan dahil sa kanilang buwis buhay na paglilingkod sa bayan. Iyan ang sinasabi kong kapag-oras mo, oras mo na dahil ang buong akala nitong mga holdaper busy ang mga kapulisan sa deployment sa ASEAN Delegates. Hehehe!
Kaya’t sa isang iglap ay naging bayani itong ating mga kapulisan na nagsasagawa lamang ng surveilance sa naturang lugar. Good job mga Sir! Dumami pa sana ang lahi ninyo, upang tuluyan ng mawalis itong mga mandarambong na nagpapasasa lamang sa pinaghirapan ng mamamayan.
- Latest















