^

PSN Opinyon

Paano ginagamot ang stress at nerbiyos

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Relaxation therapy – Ang relaxation therapy ay magagawa sa pamamagitan ng paghinga ng mabagal at malalim, pagmumuni-muni at pagpapalakas ng katawan.

2. Aromatherapy – Ang aromatherapy ay ginagamitan­ ng langis na nagmumula sa iba’t ibang halaman para gamutin ang sakit. May paniniwala na ang compunds sa langis ay binubuhay ang ilang mga kemikal sa utak na may­roong pangpa-relax na epekto.

3. Art therapy – Ang pag-drawing, painting, clay at sculpture ay makatutulong ipahayag ang mga saloobin at emosyon kung mahirap para sa kanila ang pag-usapan ito.

4. Masahe – May mga pag-aaral na ang pagpapamasahe ay nakatutulong para kontrolin ang stress at pagkabalisa sa pamamagitan ng pagpapa-relax ng muscles at pagpapakalma ng isip.

5. Musika at pagkanta – Ang pakikinig sa musika, pagkanta at paglalaro ng musical instruments ay naka-re-relax at nagpapa-kalma.

6. Yoga – Ang regular na pagyo-yoga ay makatutulong bawasan ang pang-araw-araw na stress at pagkabalisa. Ang Kundalini yoga, isang klase ng yoga ay napag-aralan na mabisa para sa pagkabalisa. Kinapapalooban ang yogang ito ng pagpose ng katawan at technique sa paghinga.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with