^

Probinsiya

Ina, 2 anak todas sa ‘hit and run’!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ina, 2 anak todas sa ‘hit and run’!
Ang mga biktima ay kinilalang sina Marlon Baspin, kapatid niyang si Marjohn, at ang kanilang 72-anyos na ina; pawang taga-Valencia City, Bukidnon.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng pamilya ang nasawi makaraang suwagin ng isang humahagibis na tractor ang sinasakyan nilang motorsiklo at saka sila tinakasan sa kahabaan ng coastal road, Brgy. Puntod, Cagayan de Oro City ­nitong Linggo ng gabi.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Marlon Baspin, kapatid niyang si Marjohn, at ang kanilang 72-anyos na ina; pawang taga-Valencia City, Bukidnon.

Base sa imbestigas­yon, magkakaangkas sa motorsiklo ang mag-iina lulan ng motorsiklo nang biglang kumabig at mawala sa linya ang kasalubong nilang tractor sa bahagi ng coastal road, sa Brgy. Puntod ng nasabing lungsod.

Dahil dito, pumailalim sa truck ang sinasak­yang motorsiklo ng mga biktima habang tuluy-tuloy ring binangga ng behikulo at dalawang nakaparadang Sedan at isang motorsiklo sa tabi ng coastal road.

Ang mga biktima ay pawang nagtamo ng malulubhang sugat sa kanilang katawan sanhi ng kanilang kamatayan.

Ayon sa mga testigo, matapos na madisgrasya ang mga biktima ay mabilis na nagsitakas ang driver at tatlo pa nitong kasama na nagtalunan sa tractor. 

Nang inspeksiyunin ang nakadisgrasyang tractor ng mga nag­respondeng pulis, nadiskubre ang dalawang basyo ng alak sa loob nito na may yelo rin sa isang lalagyan na hindi pa natutunaw malapit sa upuan ng driver na indikasyong nag-iinuman sila sa sasakyan at nasa impluwensya ng alak.

Patuloy ang manhunt operation ng mga awtoridad laban sa mga suspek sa nasabing insidente ng “hit and run”.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with