^

Probinsiya

65-anyos binoga ng kapitbahay, patay

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
65-anyos binoga ng kapitbahay, patay
Dead-on-the-spot ang biktima na kinilala sa alyas “Bert,” 65-anyos, magsasaka at residente ng Summer Homes Southville Brgy Cabuco ng nasabing lungsod. 
File photo

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 65-anyos na mister makaraang barilin ng kanyang kapitbahay habang nag-aayos ng motorsiklo sa Brgy. Cabuco Trece Martires City, kamakalawa ng gabi. 

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilala sa alyas “Bert,” 65-anyos, magsasaka at residente ng Summer Homes Southville Brgy Cabuco ng nasabing lungsod. 

Base sa ulat, alas-7:15 gabi habang abala ang biktima sa pag-aayos ng kanyang motorsiklo nang dumating ang suspek na si alyas “Mervin,” 41-anyos, driver, at residente rin sa nasabing subdibisyon.

Nilapitan agad ng suspek ang biktima at walang sabi-sabing binaril sa dibdib bago mabilis na tumakas bitbit ang armas na gamit sa pamamaril. 

Lumalabas sa pagsisiyasat na may dating alitan ang biktima at suspek na siyang sinisilip sa motibo sa krimen.

Nagkasa na ng manhunt operation ang pulisya laban sa tumakas na suspek. 

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with