Rhian at Michelle, binuhay ang ‘patay’

Epic ang marketing stunt nina Sam Verzosa at RS Francisco ng Luxxe White dahil talagang pinag-usapan ito sa buong bansa.
Natunghayan nga ng lahat ang isang spectacle na may mga billboard sa Maynila ukol sa ‘kamatayan’ ng Luxxe White; isang burol sa headquarters ng kumpanya; isang pagtitipon ng libu-libong distributors nito sa kanilang headquarters para makabili ng ‘last remaining stocks’ ng produkto; at ang pinaka-experiential at elaborate na media launch.
Agad nagkalat ng tsismis ang mga kalaban at kritiko ukol sa pagkakalugi, kabiguan, at pagbagsak ng empire na binuo at inalagaan nina RS at Sam sa halos dalawang dekada.
Sumabog din ang socmed sa mga ispekulasyon na kinukuwestiyon ang kakayahan ni Sam na pagsilbihan na maging mayor ng Maynila. Kung ‘di naman daw nito kayang ayusin ang sarili niyang kumpanya
Pero sa likod ng drama ay isang kalkuladong marketing strategy pala na dinisenyo nila para baliin ang mga expectation; para buwagin ang molde ng mga tradisyunal na marketing campaigns at para makalikha ng ‘di malilimutang product relaunch.
Lumabas ang totoo sa media launch – isang kakaibang rebirth.
Hindi namatay ang Luxxe White, bagkus, nag-evolve ito bilang Luxxe White Ultima – na may bigger, better, at stronger line of products.
Hindi nagmukhang relaunch – naging isang rebolusyon.
At ano ang pinakamalaking irony? Ang mga nag-react ng negatibo at nagkalat ng fake news sa pagkalugi ng kumpanya.
Ayon kay RS: “Hindi lamang kami nag-launch ng produkto. We created a moment in marketing history. Real visionaries never follow the rules – they rewrite them.”
Lalong sumaya ang media launch kasama si Boy Abunda bilang host at habang kumanta si Ice Seguerra sa grand reveal ng Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Marquez Dee at magaling na aktres na si Rhian Ramos bilang bagong ambassadors ng brand.
Sa pagbukas ng bagong yugto nito, ang buong Luxxe White Ultimate Collection ay mabibili exclusively sa mga authorized Luxxe White distributors sa buong mundo, at pangako nito ang boosted benefits para sa mga health at beauty enthusiasts.
Kaya literal na binuhay nina Michelle at Rhian ang isang produktong pinatay at pinaglamayan.
- Latest