Paggawa ng kandila, nakakatanggal ng stress?!

Wow, parang gusto ko na ring matutong gumawa ng kandila.
Hahaha.
Eh kasi naman parang naeenganyo na ako ni Sharon Cuneta at ni Carla Abellana na pinagkakaabalahan na rin ang paggawa ng kandila.
May nagpakita sa akin ng post ni Sharon na “My Candle-making Instructor has a good heart. With proceeds from her candle business, she is able to help send children to school. You may also have her host a Candle-making party at your venue of choice! Please contact her at @kakayanin_ph to purchase her products or to inquire about her workshops! (I paid for my workshop with her - no ex-deals involved. I just like supporting people and business that deserve it.”
Ang chika ni Salve, ang paghahanap ng creative outlet na makatutulong sa iyong mag-relax, magsaya, at talagang gumawa ng isang bagay na maganda at maaari ngang saktong outlet para pantanggal ng stress.
At magandang bagay daw itong kandila.
‘Yun tipong nakatuon ka sa isang bagay, binitawan ang mga abala, at gumagawa ng isang bagay na may intensyon.
Ganun.
Bongga. Hahaha. Well, siguro kung hindi pa ako matanda at 78 years old, susubukan ko talaga ‘yan.
- Latest