Kai pinuri ng mga B.League coaches
MANILA, Philippines — Puring-puri si Gilas Pilipinas standout at Koshigaya Alphas slotman Kai Sotto ng ilang coaches sa matikas na laro nito sa 2024-25 Japan B.League.
Hindi lamang mga coaches ni Sotto sa Gilas Pilipinas ang nakakapuna sa magandang laro nito maging ang ilang mentors nito sa Japan.
Isa na rito si Koshigaya Alphas head coach Ryuzo Anzai sa mga naka-appreciate sa magandang laro ni Sotto.
Personal na nasaksihan ni Anzai ang galawan ni Sotto sa B.League.
Hanga ito sa husay at galing ng 7-foot-3 Pinoy cager mula sa bilis hanggang sa mga dunks nito.
“Kai is an exceptional athlete who moves incredibly well for his height and transitions seamlessly from fakes to dunks,” ani Anzai.
Kaya naman nais ni Anzai na ma-maximize nang husto ang talento ni Sotto sa mga susunod na laro ng Alphas.
“As a coach, it’s my job to figure out how to further develop his skills. I want to see him progress to the next level,” dagdag ni Anzai.
- Latest