^

PSN Opinyon

Dapat pa bang tugisin si Alice?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

AYOKO na sanang talakayin ang balitang nakatakas na ng Pilipinas si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil noon ko pang isang buwan isinusulat ito. Na lulan­ ng isang chopper, may mga nakasaksi sa kanyang pag-alis. Ayon kay Sen. Risa Hontiveros nakarating na si Guo sa Malaysia at Singapore at ito raw ay mula sa isang katiwa-tiwalang source.

Gayunpaman, hindi pa rin kumpirmado ang balitang ito. Sinasabi kasi ng abogado ni Guo na nakakausap pa niya ang kanyang kliyente sa telepono at ito ay nasa loob pa rin ng bansa.

Kung ito ay kumpirmadong balita, hindi na siya marahil dapat habulin tutal hindi naman siya tunay na Pilipino na espiya ng China. Charge it to experience. 

Wala pa namang ikinakasong espionage laban kay Guo. Pero kung sadyang tumakas na siya, ito ay pag-amin sa lahat ng mga hinihinala as kanya. Kung magbalik sa China si Guo at tunay na undercover agent siya ng mga Tsekwa, palagay n’yo puwede tayong humiling ng extra­dition?

I’m saying this out of desperation. Kung ‘yung sarili nating­ mga kababayan, gaya nina Pastor Apollo Quiboloy at Arnulfo Teves ay hindi mahuli-huli, ano pa kaya ang magagawa ng ating mga awtoridad na “pakawala” ng ibang malakas na bansa upang mag-espiya sa Pinas?

Ang mabuting gawin ngayon ay maging alerto ang pama­halaan at baka hindi nag-iisa si Guo na espiya ng China. Kung nagawa ng China na makapag-upo ng tauhan nito sa pama­halaan, malaki ang posibilidad na marami pang “paka­wala” ito na nakapuwesto sa pamahalaan. Kahit ita­nong n’yo pa kay Michael Yang.

vuukle comment

MAYOR

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with