^

Metro

Lalaki binoga sa Quezon City, patay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lalaki binoga sa Quezon City, patay
Nakilala ang biktima na si Ednan Romero Laborada, 37, residente ng Camia St., Sitio San Roque II, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang suspek, kahapon ng mada­ling araw sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Ednan Romero Laborada, 37, residente ng Camia St., Sitio San Roque II, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), nangyari ang insidente dakong alas-4:55 ng madaling araw sa Sampaguita St., Sitio San Roque II, ng nasabing barangay.

Ayon sa pulisya, nakarinig ng putok ang security guard na si Jalaine Mamaunte Maunday mula sa nasabing barangay.

Nang kanyang puntahan, nakita niya ang biktima na duguan sa semento.

Agad na humingi ng tulong si Maunday sa barangay at sa Station 15 ng QCPD.

Ayon sa SOCO team mula sa QCPD-FU sa pangunguna ni PCpt. Jovelyn De Asis Maggay, isang tama ng bala ng baril sa ulo ang tinamo ng biktima habang isang basyo ng bala ang nakuha sa crime scene.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya upang matukoy ang suspek at motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with