^

Metro

Lalaki naaresto ng NBI sa sexual exploitation

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Lalaki naaresto ng NBI sa sexual exploitation
Kinilala ni NBI director Jaime Santiago ang suspek na si Dennis Cansino, alyas Baste na nahuli dahil sa mga kasong paglabag sa R.A. No. 11930 (Anti-Online Sexual Exploitation, Abuse or Exploitation of Children), R.A. No. 11862 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022) in relation to R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), Qualified Rape at paglabag sa R.A. No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na may sexual exploitation operation sa San Mateo Rizal.

Kinilala ni NBI director Jaime Santiago ang suspek na si Dennis Cansino, alyas Baste na nahuli dahil sa mga kasong paglabag sa R.A. No. 11930 (Anti-Online Sexual Exploitation, Abuse or Exploitation of Children), R.A. No. 11862 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022) in relation to R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), Qualified Rape at paglabag sa R.A. No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

Kasabay naman nito, nasagip ang apat na biktima ng suspect kabilang ng dalawang minor na babae at lalaki.

Bago ito, unang nakatanggap ng impormasyon ng NBI-Special Task Force na isang Baste ay nagre-recruit, nagdadala at nagtatago ng mga babae kabilang   ang mga menor-de-edad para sa kanyang sexual exploitation operation na itinatago ang operas­yon para sa  call/outcall online SPA massage service.

Sa imbestigasyon ng NBI STF, nakilala nito ang isang minor na nagbigay ng pahayag laban sa illegal activities ni Cansino. Ayon sa biktima, siya ay ni-rape ng suspek noong siya ay 15- anyos pa lamang.

Dulot nito, agad nagsagawa ng serye ng surveillance operations ang NBI STF at nakumpirma ang modus ni Cansino sa pagre-recuit ng mga minor para sa kanyang ilegal na aktibidades.

Nalaman din ng NBI na ang mga na-recruit na minor ay pinupu­wersa nitong makipagtalik sa kanya bago ialok sa parokyano.

Agad namang nakakuha ng arrest warrant ang mga operatiba laban sa suspek at agad itong dinakip.

Dito nadiskubre ng mga operatiba ng NBI ang ibat-ibang child pornographic ma­terials at Child Sexual o Exploitation Materials (CSAEM) sa electronic gadgets/devices ng suspek.

Nakasuhan na si Cansino sa mga nabanggit na paglabag sa batas habang ang mga nabawing mga biktima ay nai- turn over na sa custody ng mga social worker ng Marillac Hills sa San Mateo, Rizal.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with