^

Bansa

Tulfo sa LTO: Personal appearance sa pag-renew ng sasakyan, i-require Gemma Garcia

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela si Senate Committee on Public Services Chairman Raffy Tulfo sa Land Transportation Office (LTO) na imandato sa mga motorista ang personal appearance sa pagre-renew ng rehistro ng kanilang mga sasakyan kasabay ng pagsusumite nila ng valid Government ID.

Ang panawagan ni Tulfo ay dahil sa impormasyon na nahihirapan ang awtoridad na tukuyin ang guma­mit ng sasakyang sangkot sa krimen o aksidente dahil matagal nang naibenta ito subalit nakapangalan pa rin sa unang may-ari.

Inihalimbawa ni Tulfo ang Silver Mitsubishi Montero Sport na may plakang PEO-987 na ginamit sa pambubudol sa isang cancer patient noong June 10.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin natutukoy ang driver nito dahil napagpasa-pasahan na ang kotse at “open deed of sale” lamang ang naganap na proseso.

Iginiit ni Tulfo na nagi­ging common practice lalo na sa buy and sell, na bibili ng sasakyan ang isang tao at hindi muna ito inirere­histro dahil ibebenta rin ito.

Sa ganitong practice anya malakas ang loob ng mga driver na takbuhan ang kanilang responsibilidad sakaling may aksidenteng nangyari sa daan.

Dahil dito, maghahain si Tulfo ng panukala para i-require na 10 araw mula sa date of purchase ng sasakyan, dapat ay registered na ito sa LTO.

Kapag hindi naka-comply ang owner, mai-impound agad ang kanyang sasak­yan.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with