^

Bansa

Duterte tinawanan bantani De Lima na kakasuhan siya

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinawanan lang ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang plano ni dating Senador Leila de Lima na habulin ang mga indibidwal na naggawa-gawa lamang ng kasong illegal na droga laban sa kanya.

Matatandaan na ibinasura ng Muntilupa court ang lahat ng kaso ni De Lima na may kinalaman sa illegal na droga na aniya ay ginawa lamang dahil sa kanyang pagiging kritiko sa madugong drug war ni Duterte.

Noong nakaraang linggo, ay sinabi ng dating Senador na isusulong niya ang kaso laban sa mga opisyal ng Duterte administration na aniya ay dahilan ng kanyang pitong taong pagkakakulong.

Subalit, ayon kay Duterte dapat hanapin na lamang ni De Lima ang kanyang kapayapaan sa halip na magsimula ng away laban sa kanya na aniya ay maa­aring pagsisihan ng senadora.

Muli namang iginiit ng dating pangulo na wala siyang pakialam sa International Criminal Court (ICC)  at sinabing wala itong hurisdiksyon dahil hindi na bahagi ng ICC ang Pilipinas.

Nais din ni Duterte na sakaling mag-isyu ang ICC ng warrant of arrest laban sa kanya ay personal nila itong iabot sa kanya at hindi ang PNP o NBI dahil ipapakain niya ito sa kanila o babarilin niya ang mga ito.

Matatandaan na iniimbestigahan ng ICC ang umano’y mga paglabag sa karapatang pantao ni Duterte dahil sa kanyang war on drugs noong panahon na siya pa ang pangulo.

vuukle comment

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with