^

Metro

Pulis nanghabol ng riding-in-tandem, pinagbabaril

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang bagitong pulis nang kanyang habulin ang riding-in-tandem na namaril ng isa pang pulis na nanita sa kanila, sa Taguig City, Linggo ng gabi.

Nailipat sa isang ospital sa Bonifacio Global City mula sa Ospital ng Makati ang biktimang si Patrolman Austine Jhon Austria, nakatalaga sa Taguig City Police Station 2 dahil sa fractured bones matapos magtamo ng mga bala sa paa, hita at binti, na kinailangang isailalim sa surgical operation.

Sa ulat kay ng Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete, naganap ang insidente alas-11:50 ng  gabi ng Hunyo 23, 2024, sa Brgy. Rizal, Taguig City.

Sa imbestigasyon, habang patungo sa Barangay Pembo si P/Chief Master Sergeant Bobby Asuncion, namataan niya sa Sampaguita St. ang riding-in-tandem na sakay ng isang Yamaha Mio motorcycle na may kahina-hinalang kilos. Sinita niya ang dalawa pero kaagad na naglabas ng baril ang backrider at pinaputukan si Asuncion na hindi tumama, bago mabilis na tumakas sa direksyon ng Rizal St.

Nang makita ni Asuncion ang nagpapatrol­yang sina Pat. Austria at Pat. Estifanos sa tapat ng isang convenience store sa Floraville St., ay humingi ng alalay. Dito, agad na sinakyan ni Pat. Austria ang motorsiklo ni Asuncion at siya na ang humabol sa tinukoy na motorsiklo ng mga suspek, na naabutang nakaparada sa Lopez Jaena St.

Agad ininspkesyon ni Pat Austria ang motorsiklo, nang biglang sumulpot ang isa pang motorsiklo na may magkaangkas na lalaki at nang sisitahin ay binigla siya ng sunod-sunod na putok.

Narekober ang Yamaha Mio 125 black/matte gray ng mga suspek, isang identification card ng isang alyas “Raymart”, apat na basyo ng kalibre .45, 3-basyo ng kalibre .9mm at isang fired bullet ng kalibre .45.

Sa follow-up operation sa bahay na natumbok sa ID, natukoy ang apat na suspek kung saan dalawa ang itinu­ring na “person of inte­rest”.

Nakatakdang bigyan ng award ni PNP chief, Gen. Rommel Francisco Marbil, si Pat. Austria sa ipinakitang tapang at dedikasyon sa serbisyo.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with