^

PSN Showbiz

Gabby, ‘di pa rin nakakapagpatawad

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gabby, �di pa rin nakakapagpatawad
Gabby Concepcion.
STAR/ File

Kahit na very happy ako sa birthday lunch ko mas buo sana ang ligaya ko kung nagpunta si Gabby Concepcion.

Talagang nang ma­kita ko ang lahat ng alaga ko, pumasok sa utak ko na sana dumating si Gabby para kumpleto silang lahat.

In fairness kahit noong kainitan ng paghihiwalay namin as manager / talent wala kang narinig na masamang salita between us. At ‘yung trust ni daddy Rolly Concepcion ni Gabby sa akin ay hindi nawala.

Saka siguro naman maganda na ang mga buhay at career namin plus the maturity na inabot namin, kaya dapat kalimutan na ang lahat.

Kung napanatili namin ni Nanette Medved na maayos ang lahat sa aming dalawa mula pa noon hanggang ngayon, bakit hindi kami magkakaayos ni Gabby.

Kalimutan na natin ang nakaraan, Gabby, we can be good friends.

No bad blood, no dark past. Friends please, para bongga.

Hope to see and talk with you soon, bongga.

Lito, tuloy ang pagpaparamdam kay Lorna!

Nagpadala ng birthday envelope si Lito Lapid sa akin. Ngayon lang ako nakatanggap ng gift mula kay Lito kaya naisip ko baka dahil ito sa influence ni Lorna Tolentino.

Aminin na natin na nagpapalipad hangin si Lito kay Lorna.

Well, si Lorna lang ang puwedeng mag-decide sa lovelife niya. Kung makakaabante si Lito, na kay Lorna lang desisyon.

Hindi ko lang ma-comprehend kung sakali na nagkaroon siya ng Ysabel kay Michelle Ortega, at ngayon naman lumiligaw siya kay Lorna.

Basta everything will fall into its proper place. Kung alin ang mabuti para sa isa’t isa iyon ang mangyayari.

Ipagdasal natin na walang maling desisyon na maganap. ‘Yung sana lahat masaya.

vuukle comment

GABBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with