^

PSN Showbiz

3 anak ni Ogie, sabay-sabay ga-graduate

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
3 anak ni Ogie, sabay-sabay ga-graduate
Ogie Alcasid.
STAR/ File

Proud Dad si Ogie Alcasid na kinuwento na magkakasabay na ga-graduate ang tatlo niyang anak.

Naibahagi ito sa amin ni Ogie sa trade launch ng A Team na ginanap sa CWC Interiors sa BGC, Taguig nung Huwebes ng gabi.

Ani Ogie, bandang mid of June ay lilipad siya pa-Australia para daluhan ang graduation ng anak niyang si Sarah.

“Kasi ‘yung pangalawa kong anak, ga-graduate. She’s now a nurse. Actually, tatlo silang ga-graduate. Si Nate nag-graduate ng Grade School. Si Leila, nag-graduate ng College.

“So triple celebration,” bulalas ni Ogie.

Kaya masayang Father’s Day ito kay Ogie sa susunod na buwan.

Ang bilis ng panahon, na ang dating bini-baby na si Nate ay 12 years old ngayon at may sarili na itong desisyon.

Hindi pa raw showbiz na showbiz, ‘yung nag-sink in sa utak niyang sikat na celebrities ang kanyang magulang.

May panahon ngayon si Ogie sa pamilya niya, kahit abala siya sa mga malalaking shows na ipo-produce ng A Team.

In-announce sa trade launch nito nung Huwebes ang 21 shows na ipo-produce nila mula ngayong taon hanggang sa 2025.

Ilan dito ay concert nina Lara Maigue at Gian Magdangal na gaganapin sa Gateway, ang pagbabalik ni Martin Nievera sa Araneta Coliseum sa September, ang reunion concert ng Streetboys sa Nov. 8 sa New Frontier Theater.

Gagawin din nila ang String Forever concert ni Noel Cabangon, at may pasabog din sina Jed Madela, Bituin Escalante at Poppert Bernadas na Power X3, at siyempre ang concert series ni Ogie at ang matagal na niyang pinaghahandaang musical play.

Yassi at Jowang  si Gov. Villafuerte, grabe ang laplapan sa stage

Hindi nagpaawat ang magkasintahang Yassi Pressman at Gov. Luigi Villafuerte ng Camarines Sur sa ope­ning ng Kaogma Festival na nagsimula nung Huwebes.

Ipinorward sa akin ng kasamahan namin sa DZRH na si Ruel Saldico ang kuha niya sa mahabang halikan nina Gov. Luigi at Yassi sa stage.

Doon sa video ay umabot ng 14 seconds. Pero humalik-halik pa rin si Gov. Luigi nang palabas na sila ng stage.

 Maaga pa lang ay nag-post si Yassi ng video ng rehearsal niya sa gagawin niyang special number sa naturang event.

Buwis-buhay daw ‘yun sabi ni Rachel Peters na asawa ng dating Governor Migz Villafuerte.

Open na open na sina Yassi at Gov. Luigi sa kanilang relasyon na ikinatuwa naman ng mga taga-Camsur.

Hindi lang itong halikan ang ginawa nila sa harap ng mga maraming tao.

Nag-post din si Yassi noon sa kanyang Instagram na naghahalikan sila ni Gov. Luigi sa bangka.

Samantala, kasama rin pala ni Yassi si James Reid na nag-perform sa opening ng Kaogma festival. Alam naman ng lahat na ang sister ni Yassi na si Issa ang current girlfriend ni James.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with