Mayor Robredo, natuwa sa donasyon ng PCSO!
Hindi lang ang mga residente ang makikinabang sa donasyon na P25.1 milyon na diagnostic equipments ni PCSO General Manager Mel Robles sa Naga City General hospital kundi maging ang pilgrims at deboto sa kasalukuyang sini-selebra na Peñafrancia Festival. Habang abala ang Bikolano sa naturang selebrasyon, nagdala naman si Robles ng karagdagang healthcare support sa Naga City matapos ang ospital ay binigyan ng Level 2 accreditation ng Department of Health.
Ang donasyon na ibinigay sa ilalim ng PCSO’s Medical Equipment Donation Program (MEDP) ay isang digital stationary X-ray machine, isang ultrasound machine at isang 2D echocardiogram machine. Wow na wow! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ng PCSO na ang digital X-ray machine ay upang suportahan ang tama sa oras na diagnosis ng sugat o sakit, samantalang ang ultrasound machine ay magbibigay ng real-time na imahe sa pag-assess ng internal organs upang makita at malunasan kaagad ang makitang sakit. Ang 2D echocardiogram machine naman ay matutulungan ang mga doctor sa pag-examine ng puso, maging ang pag-detect o monitor sa cardiovascular conditions.
Naniniwala si Robles na makakatulong ang mga kagamitan upang ang ospital ay magsagawa ng karagdagang diagnostic examinations sa mismong gusali nito, at mabawasan ang oras, gastos at kahirapan ng pasyente sa paglipat-lipat sa iba pang ospital at pribadong diagnostic centers. Mismooooo! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Siyempre, tuwang-tuwa si Naga City Mayor Maria Lourdes “Leni” Robredo sa donasyon ng PCSO na tinawag n’yang kritikal na source ng assistance para sa mga Pinoy na humaharap sa mataas na gastusin sa pagpapagamot. “We are beyond grateful, not just for these donations, but for what PCSO has been doing para po sa mga kababayan natin,” ani Robredo. “Kadalasan, kayo ’yung last line of defense. Kapag kailangang-kailangan na, alam ng tao na puwede siyang lumapit sa PCSO, lalo na kapag sobrang laki na ng hospital bills,” ang pahayag ni Robredo sabay puri sa ahensiya ni Robles na nagbibigay ng kaukulang tulong kahit kanino na walang halong pulitika. “Hindi lang po ito ordinaryong equipment. It translates to giving our patients dignity, giving families peace of mind, and ensuring na maaasikaso kaagad ang kanilang medical needs,” ang giit ni Robredo. Mismooooo! Abangan!
- Latest




















