^

Punto Mo

Rapist na, robber pa, timbog kay Gen. Mendez!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

May mga kriminal na naniniwalang sapat na ang pagtatago upang makaiwas sa batas. Ngunit sa panahon ngayon ng hi-tech gadgets at mabilis na daloy ng impormasyon at matibay na pagtutulungan ng mamamayan at kapulisan, lalong umiiksi ang kanilang oras sa kalayaan. Ito ang sinapit ni alyas William na nagmolestiya ng bebot sa San Fernando, Pampanga na hindi na “nanlaban” ng makorner sa isang parking lot.

Sinabi ni PRO3 director Brig. Gen. Jess Mendez na ang suspect ay nakaharap sa 15 kasong rape, rape by sexual assault, robbery at acts of lasciviousness sa Pampanga. Hanep, manyak pala ito! Anong sey mo kosang Bayani Batac? Ayon kay Mendez, balik kulungan sa ngayon si William, at medyo mahaba ang bubunuin n’ya dahil may dalawang biktima pa - isang Grade 6 student at isang ginang ang lumutang para idiin s’ya. Purbidang yawaahhhhh! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa ilalim ng pamumuno ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr., patuloy na pinatitibay ng kapulisan ang pakikipag-ugnayan sa komunidad bilang mahalagang sandata laban sa kriminalidad. Sa kaso ni William, muling napatunayan na ang aktibong pakikilahok ng taumbayan ay maaaring maging susi sa mabilis na paghahatid ng hustisya. Sinabi ng hu­ling biktima, na tinutukan s’ya ng suspect ng baril, kinuha at pinatay ang celfone at tinakot na ‘wag na pumalag sa gagawin n’ya kahit nagmamakaawa pa s’ya. Kinuha din ang kanyang pera. Matapos ang ginawa n’yang krimen, sumakay sa tricycle ang suspect patungo sa naghihintay n’yang motorsiklo, at pinasibad ito palayo sa ‘crime scene.” ‘Yun ang pagkakamali n’ya dahil sa backtracking ng mga tauhan ni Mendez, nakilala s’ya at pinaghahanap kaagad. Dipugaaaaa!

 Nitong Hulyo 9, natunton at naaresto ng pinagsanib na puwersa ng iba’t ibang yunit ng PNP ang suspek sa isang parking area sa Brgy. San Jose, City of San Fernando. Ang mabilis na pagkakaaresto ay hindi lamang bunga ng mahusay na police operation kundi patunay rin sa kapangyarihan ng maagap na pagbabahagi ng impormasyon at pakikipagtulungan ng publiko.

Ang mahalaga pa, matapos ang pagkakaaresto at malawakang pagkalat ng impormasyon hinggil kay William, dalawa pang biktima ang lumutang at positibong kinilala ang akusado kaugnay ng magkahiwalay na insidente na kasalukuyan nang sinisiyasat ng mga awtoridad. Ipinapakita nito na ang bawat matagumpay na operasyon ay hindi lamang nag-aalis ng banta sa komunidad kundi nagbibigay rin ng lakas ng loob sa iba pang biktima upang magsalita at humingi ng hustisya. Ganun na nga!

Sinabi ni Mendez na ang pagkaaresto sa suspect ay patunay na kapag nagtutulungan ang mamamayan at kapulisan, lalong kumokonti ang mapagtataguan ng mga kriminal at mas nagiging ligtas ang komunidad. Ang pinakamahalagang aral ay simple: ang katahimikan ay madalas na kakampi ng kriminalidad, ngunit ang pakikiisa ng komunidad ay kakampi ng hustisya. Abangan!

BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with