^

Punto Mo

‘Ice Candy’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Kapag Sabado at Linggo na wala akong pasok ay malaki ang aking kinikita sa pagtitinda ng ice candy. Nauubos ang 100 piraso ng ice candies kaya malaki ang aking naibibigay kay Nanay.

Lingid sa akin, itinatabi pala ni Nanay ang aking kinikita sa pagtitinda ng ice candy.

Mas marami akong kinikita kapag malapit na ang piyesta sa ­aming bayan. Dahil tag-init ang piyesta (Abril 23) sa amin, mabentang-mabenta ang ice candy. May isang pagkakataon na nakaubos ako ng 300 piraso ng ice candies. Grabe kasing init ng panahong iyon kaya gustung-gusto ng mga tao ang ice candy.

Tuwang-tuwa ako nang umuwi dahil malaki ang aking kinita. Gaya ng dati, itinatabi iyon ni Nanay.

Isa sa mga naging problema ko ay ang mga nambu-bully at pilit nanghihingi ng tinda kong ice candy. Kapag tumanggi ako, binabantaan akong hindi na pararaanin sa kanilang lugar. Hawak daw nila ang lugar. Kaya para tuluy-tuloy daw ang pagdaan ko, magbigay daw ako ng ice candy.

Mga kabataan pa ang mga nambu-bully at ­nangingikil.

Hindi ako pumayag. Sampu kasi silang bibigyan ko ng ice candy. Wala na akong kikitain kung susundin ko sila. Pinagbantaan ako.

Naghanap ako ng ibang kalsada na maaring daanan para maiwasan ang mga nangingikil.

(Itutuloy)

ICE CANDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with