P18-M donasyon sa ospital sa Mindoro, ‘game changer!’
Tinawag ni PCSO General Manager Mel Robles na “game-changer” itong P18.2 milyong halaga ng state-of-the-art na medical equipment at financial support na ipinamahagi ng ahensiya sa Oriental Mindoro Provincial Hospital. Ang hakbangin ni Robles ay alinsunod sa programa ng PCSO na dalhin ang high-quality public healthcare sa halos hindi maabot na malalayong lugar ng Pinas. Maliit man ang tulong ng ahensiya subalit naniniwala si Robles na maraming buhay ang maililigtas dahil sa mga modern equipments. “Sa dami ng pangangailangan sa ating bayan, naniniwala kami na bawat maliit na tulong na naibibigay ay may kakayahang magdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng iba,” ani Robles. “At we promise to give more, at we soar to give more,” ang dagdag pa ni Robles. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ang donasyon ay kinabibilangan ng isang digital X-ray machine, limang ventilators, at walong electrocardiogram (ECG) units- mga kinakailangang kagamitan na “often the difference between life and death in critical care settings.” Masayang tinanggap ni Oriental Mindoro Gov. Humerlito “Bonz” Dolor ang mga kagamitan kay Robles sa isang simpleng turnover ceremony kamakailan.
Kasabay sa medical equipments, iniabot din ni Robles ang halagang P247,486.75 kay Dolor bilang karagdagang pondo upang suportahan ang mga lokal na programa at serbisyo para sa mamamayan. Itong donasyon ng PCSO at financial assistance ay parte ng a mandato nito na ibahagi ang lottery revenues sa health services, medical assistance at community welfare initiatives sa buong Pinas. Eh di wow!
Hindi lang naman ang ospital sa Oriental Mindoro ang naging recipients ng donasyon na kagamitan at pondo mula sa PCSO kundi marami pa. Kasama ito sa programa ng gobyerno ni President Bongbong Marcos na gawing modern ang mga kagamitan ng mga ospital sa Pinas, lalo na sa mga liblib na lugar, upang pagsilbihan ang mga mahihirap. Abot langit ang pasasalamat ni Gov. Dolor kay Robles, sabay pag-amin na ang modernong kagamitan ay malaki ang maiambag para sa kalusugan ng kanyang constituents. Ganun na nga! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ang patuloy na pag-roll-out ng medical support at financial assistance sa kabundukan, pinangatawan lang ng PCSO ang kanilang mandato bilang pangunahing partner ng gobyerno sa pagtaguyod ng healthcare services sa mga Pinoy sa Pinas.
“By transforming lottery revenues into life-saving machines, the agency continues to prove itself as an indispensable backbone of the Philippine public health system,” ani Robles. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sana ipila rin ng PCSO ang katulad na tulong sa Aleosan District Hospital sa Alimodian, Iloilo. Harinawa! Hehehe! Hindi na gimik ‘to! Abangan!
- Latest

















