^

Punto Mo

‘Paniki’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

( Part 5)

“HINDI ka nag-e-enjoy dahil sa mga paniki ano, Sandra?” tanong ni Diana.

Hindi na ako nagkunwari pa.

“Oo, Diana. Talagang nininerbiyos ako kapag nakitang pumasok na sa loob ng bahay ang mga paniki. At ang ikinatatakot ko pa, baka habang natutulog ako ay biglang kagatin ako ng paniki. Kasi hindi naman sila lumalabas ng bahay once na pumasok ‘di ba? Kaya maaring lumipad o gumapang sila sa kama natin.”

Napahagalpak ng tawa si Diana.

“Bakit ka tunawa, Diana?”

“Kasi’y hindi naman nananatili sa bahay kapag gabi ang mga paniki. Lumalabas sila. Hindi mo lang nakikita ang kanilang paglabas dahil madilim na. Pero napakabilis nilang lumipad.”

“Talaga, Diana?”

“Oo. At alam mo, kapag daw sa isang bahay ay may bagong bisitang babae at pumasok dun ang paniki, susuwertihin ang bisita.”

“Ano kayang suwerte ang darating sa akin?”

Kinagabihan, may tatlong lalaki na halos kasing-edad namin ni Diana ang dumating. Aakyat daw ng ligaw.

“Ikaw ang sadya nila, Sandra,” sabi ni Diana.

“Ako?”

(Itutuloy)

SANDRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with