^

Punto Mo

Tinanggal sa trabaho ­dahil sa poor ­performance, makatwiran ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Inisyuhan ako ng HR ng notice to explain dahil daw sa poor performance ko sa trabaho. Sapat bang dahilan ito para ako’y tanggalin? – Pat

Dear Pat,

Hindi mo sinabi ang dahilan ng iyong “poor performance” sa trabaho. Pero kung titingnan ang mga tinatawag na “just causes” sa ilalim ng Labor Code o mga dahilan ng pagkakatanggal na nagmumula sa pagkukulang ng empleyado, kailangang maihalintulad sa tinatawag na gross and habitual neglect of duty ang “poor performance” ng isang empleyado upang ito’y maging dahilan ng pagkakatanggal niya sa trabaho.

Kapag sinabing gross and habitual neglect of duty,  kailangan ay seryoso o matindi ang naging kapabayaan ng empleyado. Dapat din na ang kapabayaan na ito ay paulit-ulit at hindi isang beses o paminsan-minsan.

Kaya kung hindi naman bunsod nang matinding kapabayaan sa trabaho ang dahilan ng iyong poor performance at ngayon lang bumaba ang performance mo, hindi ito sapat na dahilan upang ikaw ay i-terminate. 

Sa madaling sabi, hindi awtomatikong batayan ang pagkakaroon ng “poor performance” para tanggalin sa trabaho ang isang empleyado, maliban na lang kung mapapatunayan na ang “poor performance” ay nangangahulugan nang matindi at paulit-ulit na kapabayaan.

TERMINATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with