^

Punto Mo

Dapat bang abogado ang gumawa ng demand letter

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kailangan ba na abogado ang gumawa ng demand letter? Dapat bang ipa-notaryo ang demand letter after na matanggap ng pagbibigyan? May takdang panahon ba kung kailan dapat magpadala ng demand letter at ano po ang mangyayari kung hindi ito nagawa? — Dario

Dear Dario,

Hindi kailangan na abogado ang gumawa ng demand letter. Hindi rin kailangang notaryado ito. Ang mahalaga ay nakasaad sa demand letter ang sinisingil na halaga, kabilang na ang interest at penalties, kung mayroon man, at ang petsa kung kailan dapat bayaran ng may utang ang sinisingil na halaga.

Wala namang takdang panahon para sa pagpapadala ng demand letter. Ang mahalaga ay hindi pa nababayaran o natutupad ang pagkakautang o obilgasyon at ito ay due and demandable na, o maari nang singilin.

Mahalaga ang pagpapadala ng demand letter kung may plano na magsampa ng kaso.

Karaniwan ay maari kasing maging dahilan ng agarang pagkakabasura ng kaso kung hindi maipapakita sa korte na nasingil ng maayos ang may utang at nabigyan siya ng sapat na pagkakataon para makapagbayad bago humantong ang lahat sa demandahan.

DEMAND LETTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with