E-sabong operator na si Macmac, sinusuway ang utos ni BBM!
BUKAMBIBIG pala ni e-sabong operator alyas Macmac ang pangalan ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. Sinabi ng mga kosa ko na kapag nasita ng mga pulis si Macmac ang palaging pananakot nito ay “tatawagan ko si Gen. Nartatez.” Araguyyy! Malakas din palang mag-namedrop itong si Macmac, no mga kosa? Subalit sinisiguro kong ayaw ni Gen. Nartatez ng ganyang sistema na kinakaladkad ang pangalan n’ya sa illegal na negosyo. Mismooooo! Sa totoo lang, nagulat ang kanyang mga kapitbahay sa Varona St., Tondo, Manila sa biglang pag-usbong nitong si Macmac. Dati-rati, piyaet-piyaet lang ito kung tumaya sa sabong. Subalit kinalaunan, kasama ang kasosyong si Don Robert, abayyyyy tumataginting na P18 milyon ang parada sa manok n’ya. Eh di wow! Malayo pa rin s’ya kay Boss Atong, no mga kosa? Palaging may entry itong magkasosyo sa mga grand derby, anang mga kosa ko. Sinabi pa ng mga kosa ko, itong si Don Robert ay super-lakas kay RD. Baka kilala n’yo si RD, mga kosa? Teka, teka! Di ba ipinagbawal na ni President Bongbong Marcos itong e-sabong dahil sa kaso ng 34 missing sabungeros na ang idinidiin sa korte ay si Boss Atong? Bakit sinusuway ni Macmac si BBM? Anong sey mo Boss Rubic Songco? Mino-monitor ng mga kosa ko ang aksiyon ni Gen. Nartatez laban kay Macmac. Dipugaaa!
Sinabi ng mga kosa ko na sa ngayon, hindi kaya ng liderato ni MPD director Brig. Gen Arnold Abad na sawatain si Macmac at tropa niya kahit lumabag pa sila sa batas, lalo na ang pag-iinuman sa kalye. Kapag nag-iikot si Macmac sa Tondo sakay ang kanyang pulang Ferrari, abayyy maraming armadong naka-motor ang nagse-secure sa kanya. Kaya walang nangangahas sa mga kapulisan na sitahin siya at baka totoo na bagyo nga siya kay Nartatez. ‘Pag nagkataon kasi sa kangkungan ang bagsak nila. Ganun nga nga! Hindi lang naman Ferrari ang luxury car na pag-aari ni Macmac kundi marami pa. Wow na wow! Ayon sa mga kosa ko, tinalo na ni Macmac ang mayoral candidate at businessman na si Sam Versoza kung luxury cars ang pag-uusapan. Siyempre, sa sobrang laki ng kita ni Macmac sa e-sabong, kaya niyang bilhin lahat ng luxury sa buhay. Mismooo! Ang sakit sa bangs nito.
Kung sabagay, hindi lang naman sa e-sabong napupuno ang bulsa ni Macmac dahil nagpaparating din siya ng vape products sa Pinas. T’yak me kontak din siya sa Customs, at kagaya ng pamilya Discaya, dapat sipatin ding maigi kung paano naiparating sa Pinas ang mga luxury cars n’ya. Puwede ring pasukin ni BIR Commissioner Atty. Martin Mendoza kung nagbabayad ng tamang buwis sa negosyo niyang e-sabong at maging sa kanyang luxury cars. Mismooo! Hindi lang pala sa PNP may sabit si Macmac kundi maging sa ibang ahensiya ng gobyerno, ‘no mga kosa? Sa NBI kaya, may payola rin siya? Tanong lang po. Tsk tsk tsk! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Habang patuloy na nag-ooperate ang e-sabong ni Macmac, makaaapekto ito sa gumagandang imahe ng pulisya sa liderato ni Nartatez. Hindi lang ‘yan, magiging dahilan din ito sa patuloy na pagdausdos ng survey rating ni BBM dahil sa kung anu-anong kontrobersiya na naglulutangan, lalo na ang flood control scam. Abangan!
- Latest

















