^

Punto Mo

EDITORYAL — Bangis ng air pollution noong Bagong Taon

Pang-masa
EDITORYAL — Bangis ng air pollution noong Bagong Taon

GRABENG air pollution ang dinulot ng mga paputok noong Bagong Taon. Magandang tingnan sa himpapawid ang mga sumasabog na kuwitis, Judas Belt, Superlolo, piccolo at iba pa pero, nilalason nito ang hangin na kapag nalanghap, sakit ang kapalit.

Pinalala ng mga paputok ang air pollution. Dahil sa sobrang dami ng mga paputok noong Bagong Taon, nakaranas nang pinakamalalang kondisyon ng hangin ang Metro Manila na umabot sa “hazardous level”.

Ayon kay Clarity Movement Regional Account Manager Ethel Garcia, sumipa sa 500-600 ang Air Quality Index, ang level na ikinokonsiderang “lubhang mapanganib”. Nakaaalarma ito ayon kay Garcia lalo sa mga matatanda na may respiratory problems o mga bata na mayroong hika.

Lalong lumala ang kondisyon ng hangin dahil sa mga paputok. Ang dati nang maruming hangin sa Metro Manila ay lalo pang dumumi at naging banta sa buhay ng mamamayan. Kung hindi magkakaroon ng total ban sa paputok, lalo pang lulubha ang air pollution. Hindi lamang kamatayan, pagkaputol ng daliri, kamay at pagkabulag ang makukuha sa ­paputok kundi sakit dahil sa nakalalasong hangin.

Ayon sa DOH, ang mga sakit na nakukuha sa ­paglanghap ng polluted na ha­ngin ay allergies, acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases. Ayon sa report, 120,000 Pilipino taun-taon ang namamatay dahil nakalalanghap nang maruming hangin. Pangatlo ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia na maraming namamatay dahil sa air pollution.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang mga kakarag-karag na sasakyan ang isa sa mga nagdudulot ng air pollution sa Me­tro Manila. Umano’y 70-80 percent ng emissions ay galing sa tambutso ng mga lumang pampasaherong sasakyan gaya ng jeepney.

Ngayo’y ang mga paputok ang nakadagdag sa masamang kalidad ng hangin sa Metro Manila at karatig lungsod. Panahon na para tuluyang ipagbawal ang mga paputok. Kumilos ang mga mambabatas upang maipatigil ang perwisyong paputok na salot sa buhay ng mga Pilipino. Hindi na maganda ang idinudulot sa kalusugan ng air pollution na pinalulubha pa ng mga paputok.

POLLUTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with