‘Karoling’ (Last Part)
Makalipas ang isang taon, Pasko na naman at panahon ng pangangaroling. Hindi na ako pinayagan nina Tatay at Nanay na mangaroling at baka na naman awayin ako ni Maxie. Tama na raw ang nangyari.
Sinunod ko ang aking mga magulang.
Kaya mula noon, hindi na ako nangaroling.
Hanggang sa maging binatilyo na ako at nasa high school. Kinalimutan ko na ang pangangaroling.
Nang nagkolehiyo na ako sa Maynila, hindi ko akalain na magkukurus uli ang landas namin ni Maxie.
Iisang unibersidad pala ang pinag-aaralan namin at pareho pa ang aming course engineering. Nasa senior year siya at ako nasa second year.
Pero nakalimutan na namin ang nangyari noon na nag-away kami habang nagkakaroling.
“Willie kumusta?” bati ni Maxie.
“Mabuti naman, Maxie.”
“Dito ka rin pala nag-aaral?”
“Oo, Eng ako,” sabi ko. Ang Eng ay engineering.
“Parehas tayo. Eng din ako.”
Mula noon naging magkaibigan na kami. Madalas kaming magkita kasama ang iba pa naming kababayan.
Hanggang sa magtapos kami at magkatrabaho ay nanatili ang aming pagkakaibigan.
Hindi ko malilimutan ang panahon na kami ay nagkakaroling kung Pasko. Masarap balikan ang nakaraan.
- Latest

















