Bakit nagugutom agad kahit katatapos lang kumain?
1. Kung uminom ng softdrink ay parang wala nang bukas. Kulang na lang ay gawing sabaw ang Coke o Pepsi. Hindi nawawalan ng soda tuwing kakain.
2. De lata ang laging kinakatay sa kanyang agahan, tanghalian at hapunan. Ang pagkaing de lata ay may chemical na nagiging dahilan para maglabas ang katawan ng leptin. Ang leptin na ito ang madaling makapagpagutom at nagbibigay-gana sa pagkain.
3. Kaunti lang ang kinakain sa almusal. Mas mainam na kumain nang marami sa almusal. Ang epekto ay hindi ka nagugutom kahit lampas na ng tanghalian.
4. Hindi umiinom ng black tea pagkatapos kumain nang maraming carbohydrates. Ang sekreto ay uminom ng mainit na black tea upang ang feeling busog ay nagtatagal hanggang next meal.
5. Huwag kaagad kakain ng solid food kapag nakaramdam ng gutom. Uminom muna ng tubig. Baka nauuhaw ka lang.
6. Nabo-bored ka lang. Ang nadaramang pagkabagot ay napagkakamalan mong gutom. Ang suggestion ng researchers sa Flinders University sa Australia, mag-imagine ng steak o masarap na pagkaing paborito mo. Kung nagugutom ka sa iyong ini-imagine na pagkain, totoo kang nagugutom. Kung hindi naman ay “bored” ka lang.
- Latest















