^

Punto Mo

Austrian surfer, 8 oras na nag-surf nang walang tigil!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG surfer sa Austria ang opisyal na nakapagtala ng bagong Guinness World Record para sa longest time spent surfing a wave.

Ang surfer na si Maximilian Neubock ay nag-surf sa loob ng 8 oras, 5 minuto at 44 na segundo.

Isinagawa ang record attempt sa RiverWave, isang?an-made wave facility sa Ebensee, Austria. Ang nasabing atraksiyon ay gumagamit ng agos mula sa mga kalapit na ilog upang lumikha ng isang permanente at tuluy-tuloy na alon na maaaring i-surf.

Ayon sa ulat, nagawa ni Neubock ang pambihirang tagal na ito nang walang anumang pahinga. Sa katunayan, habang patuloy siyang naka-balanse sa alon, nagawa pa niyang kumain ng isang tasa ng soup.

Ang dating record ay hawak ni Gary Saavedra ng Panama, na nagtala ng 3 oras, 55 minuto, at 2 segundo habang nagsu-surf sa Panama Canal.

Tinapos ni Neub?k ang kanyang record breaking attempt sa pamamagitan ng paggabay sa kanyang board pabalik sa dock at pagtalon sa tubig.

SURFING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with