^

Punto Mo

Ang regalo

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Dr. Richard Batista ay isang vascular surgeon mula New York. Isa siyang bihasa sa mga operasyon na may kinalaman sa mga ugat at daluyan ng dugo. Ang kanyang asawang si Dawnell ay nagkaroon ng malubhang sakit sa bato. Upang mailigtas ang buhay ng kanyang kabiyak, nagdesisyon si Richard na gawin ang isang napakalaking sakripisyo, ibinigay niya ang isa sa kanyang sariling bato.

Matagumpay ang operasyon at muling bumalik sa normal ang kalusugan ni Dawnell. Para kay Richard, ang pagbibigay ng kanyang bato ay hindi lamang tungkulin bilang asawa kundi simbolo ng kanyang wagas na pagmamahal.

Subalit, makalipas ang walong taon, lumamig ang kanilang relasyon. Nagsimula silang magkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan at sigalot sa kanilang pagsasama. Sa bandang huli, humantong ito sa diborsiyo.

Sa sobrang sakit at sama ng loob, dumulog si Richard sa korte. Isa sa kanyang naging panawagan ay ibalik sa kanya ang kidney na ibinigay niya, o kung hindi man ay bigyan siya ng katumbas na kompensasyon.

Tinanggihan ng korte ang hiling ni Richard. Ipinaliwanag na ang organ donation ay isang regalo (gift), at kapag ito’y naibigay na at nailipat, wala nang karapatan ang donor na bawiin o hingan ng kabayaran.

Dahil dito, hindi niya maaaring maangkin muli ang kidney na naibigay. Sa halip, tinutukan ng korte ang usapin ng kanilang diborsiyo, tulad ng kustodiya ng mga anak at hatian ng mga ari-arian ngunit hindi isinama bilang “asset” ang kidney.

Ang istorya nina Richard at Dawnell ay nagsilbing aral at babala na ang mga sakripisyong gina­gawa natin sa ngalan ng pagmamahal ay hindi garantiya na mananatili ang relasyon. Ipinakita rin nito kung gaano kahirap pagsamahin ang damdamin, sakripisyo, at hustisya sa usaping mag-asawa.

REGALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with