^

Punto Mo

‘Kalusugan’: Hanap din sa sari-sari store (Part 1)

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Matagal nang bahagi ng tanawin sa maraming sulok ng Pilipinas ang mga sari-sari store, na para bang kasingkaraniwan na ng jeepney o karinderya sa ating kultura. Makikita ang mga ito sa halos lahat ng barangay, mula sa looban hanggang kalsadang matao, mula sa liblib na baryo hanggang sa sentro ng lungsod.

Ang mga sari-sari store ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay: mabilis puntahan, bukas kahit madaling-araw, at kayang sumalubong sa limitadong badyet ng karaniwang mamimili.

Depende sa laki at kapital ng tindahan, makakabili rito ng bigas, mantika, itlog, tinapay, gatas, kape, kendi, instant noodles, de latang sardinas at tuna, asukal, asin, toyo, bawang, sibuyas, softdrinks, tsitsirya at ibang pangunahing bilihin.

May ilan ding nagtitinda ng lutong ulam, karne, o gulay, lalo na kung malapit ito sa palengke. Kapag may biglaang bisita, sari-sari store ang takbuhan para sa meryenda o pananghalian.

Ayon sa datos ng 2023 National Nutrition Survey ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (FNRI), karamihan ng mga Filipino household ay patuloy na bumibili ng pagkain mula sa mga sari-sari store.

Sa kabila ng pagkakaroon ng mas malalaking supermarket at pag-usbong ng online grocery platforms at 24 hour convenience store, nananatiling popular ang tindahang kanto, lalo na sa mga lugar na malayo sa urbanong sentro.

Isa sa mga pangunahing dahilan: tingi-tingi system na hindi kayang tapatan ng mga grocery. Kung P100 lang ang pera mo, makakabili ka na ng kailangan para sa isang araw.

(Itutuloy)

••••••

Email: [email protected]

KALUSUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with