^

Punto Mo

Ang taong mahilig manira ng kapwa

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

BAKIT may mga taong tila natutuwa kapag may nasisi­rang reputasyon o napapahiya ang ibang tao? Sa sikolohiya, ang taong mahilig manira ng kapwa ay maaaring may pinagdaraang insecurity, inggit, mababang pagtingin sa sarili o matinding pangangaila­ngang makaramdam ng kapangyarihan. Sa halip na pagbutihin ang sariling pagkatao, ginagamit niya ang kahinaan at pagkakamali ng iba upang maiangat ang sarili.

Narito ang ilang posibleng dahilan kung bakit may ganitong uri ng tao:

1. Naiinggit sa tagumpay ng iba.

Nahihirapang tanggapin ng taong naiinggit kapag may umaangat sa buhay. Kaya sa halip na magsikap na makasabay, sinisikap niyang hilahin pababa ang taong kaniyang kinaiinggitan.

2. May mababang pagtingin sa sarili.

May mga taong naninira dahil pakiramdam nila ay mas lamang sila kapag may ibang napapahiya o nagmumukhang masama.

3. Gustong maging sentro ng atensiyon.

Gumagamit sila ng tsismis at paninira upang mapag-usapan, mapansin at maging interesado sa kanila ang ibang tao.

4. Hindi masaya sa sariling buhay.

Minsan, ang taong maraming negatibong sinasabi tungkol sa iba ay may sariling pagkadismaya. Nailalabas niya ang sama ng loob sa pamamagitan ng pagpuna at paninira.

5. Mahilig makipagkompetensiya.

Itinuturing nilang kalaban ang mga taong mas magaling, mas matagumpay o mas hinahangaan kaysa sa kanila.

6. Gusto nilang kontrolin ang opinyon ng iba.

Naniniwala silang kapag nasira nila ang reputasyon ng isang tao, mas madali nilang makukuha ang tiwala at suporta ng ibang tao. (Itutuloy)

KAPWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with